𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (21)

1.6K 97 0
                                    

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (21)

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Kumirot ang ulo ko dahilan para mapadaing ako sa sakit. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko pero napadilat ulit nang may magsalita

"Ama! Gising na si Victoria!" Nanlaki ang mga mata ko. Nasa bahay na ako? Bakit nandito ako? Paano? Pinilit kong bumangon pero dinaig ako ng sakit ng ulo ko.

"Victoria, wag mo na muna pilitin... Magpahinga ka muna..." Malumanay na saad ni Ate Analisa. Hindi ba sya galit sakin? Nilingon ko sya

"A-ate..." Umiling iling sya bago nagsalita

"Wag mo munang pwersahing magsalita..." Mahinang saad nya... Kumirot ulit ang ulo ko bago pumasok sa isip ko si Rica. Ang babaeng yun! Tinulak nya ako sa bangin!

"Buti nalang at nakatakas ka mula sa prinsipeng iyon... Natutuwa ako at magkakasama na tayo lahat..." Niyakap nya ako kaya napatulala lang ako. Alam nyang tumakas ako?

"Buti nalang din at gising ka na kapatid ko... Nag aalala na si ama sayo... Mahigit tatlong buwan ka nang tulog" Sandali akong natigilan at parang di parin maproseso sa utak ko na tatlong buwan akong tulog... Ano?! Tatlong buwan?! B-bakit?

"A-ate----

"May nakakita sayo nung gabing tumakas ka. Bakit mo naisipang magpakamatay ha? Alam mo ba na masama ang loob ni ama sayo dahil hindi mo man lang naisipang bisitahin kami... A-akala namin kung ano nang nangyari sayo... Labis na nag alala si ama sayo... Nakita ka namin sa bangin. Bakit mo naisipang magpakahulog?" Umiiyak nyang sermon sakin. Napayuko ako bago himikbi. Hindi ko alam na yun ang alam nya. Hindi ko alam kung bakit iba ang nalalaman nya gayong si Rica naman ang nya gawa sakin kung bakit ako nahulog

"Pero ate... Si Rica ang tumulak sakin... Itinulak nya ako ate... Nung gabing tumakas ako, akala ko si nanay Nora yun, yung naninilbihan sa palasyo... Akala ko sya yun kaya sumama ako, ate maniwala ka... Maniwala ka sakin, itinulak lang ako ni Rica..." Hinawakan ko ang kamay nya pero binawi nya lang yun

"Hindi ako naniniwalang magagawa yun ni Rica sayo... Matalik natin syang kaibigan... At isa pa, hindi ka na nya masyadong nabibisita at humihingi sya ng pasensya dahil ngayon ay isa na syang ganap na reyna" Napatulala ako sa sinabi nya. Ano?! Naging reyna sya? Halos manlumo ako

"Narinig ko rin ang bali balita, may sakit din ang prinsipe, nagkasakit daw iyon magmula nung tumakas ang mapapangasawa nya kaya wala syang magawa kundi ang pakasalan si Rica..." May sakit sya? Bigla akong nag alala sa kalagayan nya...

"Dahil sa ginawa mong pagtakas. Mas lalo lang lumalakas ang pwersa ng kasamaan. Dahil may sakit si Prinsipe Zian at namatay ang kanyang ama nung nakaraang buwan ay kinailangang humalili ni Haring Arturo... Medyo naramdaman ko rin na hindi maganda ang mga susunod na pangyayari" Kita ko sa mukha nya ang pag aalala...

"A-anong ibig mong sabihin? Anong hindi magadang mangyayari?" Nagtataka kong tanong at maski ako ay naguguluhan na rin... Ang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko

"Iyo bang nakalimutan? Kakampi ng mga masasamang descendantes si Haring Arturo na ama ni Rica... At ang kaharian ng Hyperion ang pinakamalakas sa lahat. Hindi din naman iyon alam ng Prinsipe Zian dahil wala naman syang ibang kaalyansa bukod sa kanilang sarili lamang" Saad nya. Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Ate Analisa

"Natatakot rin ako Victoria... Kanang kamay ng hari si ama at natatakot ako na makitang gumagawa sya ng masama... Alam kong sa mga oras na ito ay pinaplano na nilang patayin si Prinsipe Zian" Mas lalo akong nanlamig dahil sa narinig. Kaagad kong iwinaksi ang kumot ko at kaagad na tumayo

"Victoria! Nahihibang ka na ba?! Hindi ka pinayagan ni ama na lumabas!" Malakas nyang saad pero hindi ako nakinig... Agad akong lumabas... Nakaramdam ako ng sakit sa ulo kaya napabusangot ang mukha ko at napahawak ako dito...

"Victoria ano ba?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Sinundan nya ako kaya humarap ako sa kanya.

"Ate, please lang sa bahay ka na muna... Kailangan kong pumunta ng palasyo ate... Kailangan kong makita si Prince Zian ate! Kailangan ko syang bisitahin!" Pagpupumilit ko pero umiling lang sya sakin

"Hindi! Hindi makakapayag si ama sa gagawin mo! Bumalik ka sa loob!" Malakas nyang utos pero tumakbo lang ako. Ramdam ko namang hinabol nya ako. Hindi ko na nakita pa ang mga nadadaanan ko... Napaupo ako nang may matigas na bagay na nabangga ko

"Victoria... Mahal... Anong ginagawa mo dito sa labas?" Napaangat ako ng tingin at doon ko nakita si Ricardo. Pormal ang kasuotan nya at nakasuot nsya ng roba pang prinsipe...

"W-wala..." Tinabig ko ang kamay nya. San ba ako makakahingi ng tulong? Bigoang pumasok sa isip ko si Nanay Nora pero nasa palasyo sya... Yung hari pero patay na sya. Si Prof... Asan ba sya? Bakit hindi ko sya nakikita? Bakit?

"Prinsipe Ricardo buti po at nandito kayo... Tulungan nyo po sana akong ibalik si Victoria sa bahay namin..." Napatingin ako kay ate Analisa

"Ayos lang ako... Bitawan mo nalang ako" Seryoso kong saad. Nag alinlangan naman si Ricardo kung hahawakan nya ba ako o hindi... Pero sa huli, nagawa nya akong hawakan... Malakas sya at kahit anong palag ko ay hindi ko sya matatalo. Napahinga ako ng malalim bago sumunod nalang sakanya

"Magtatalaga ako ng mga kawal para mabantayan kayong dalawa... Lalo na't may mga nag lipanang mga masasamang descendantes ngayon... Balita ko ay meron na ding umanib na ibang ascendantes at parami ng parami ang kanilang bilang... Marami na ring mamamatay sa kabilang bayan" Napatango naman si ate Analisa. Tiningnan ko si Ricardo. Hindi ko inexpect na magsisinungaling sya. Hindi ko inexpect na magagawa nyang utuin kami. Kasabwat nila ang mga iyon at uutusan nilang manggulo. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan...

"Sige... Mag iingat ka sa pag uwi. Nga pala, kailan ako bibistahing muli ng iyong kapatid?" Kita ko kung pano ngumiti si Ate dahil sa tanong nya. Napangiwi ako.

"Sasabihan ko sya. Sa ngayon, bantayan mo muna ang kapatid mo. Nasa amin naman ang inyong ama" Napatango ulit sya. Napahiga nalang ako at di na nkinig sa kanya. Ipinikit ko ang mga mata ko bago unti unting pumasok sa alaala ko kung pano ako tumakas...

Biglang tumulo ang luha ko, kasabay nyon ay ang pagpasok ng mga alaala ko kasama sya... Naphinga ako ng malalim bago iwingalit nalang iyon sa isipan ko. Kailangan kong gumawa ng paraan. Pupuslit ako para masigurong ligtas lang sya

"Prof..." Agad akong lumapit at niyakap sya... Doon ako umiyak. Naramdaman ko naman na hinagod nya ang likuran ko.

"Wag ka nang umiyak... Hindi naman kita iiwanan. At hindi pa huli ang lahat" Humiwalay ako ng yakap sa kanya at dahan dahang tumabi sakanya umupo at tsaka tiningnan sya

"Prof... Can you please help me? Hindi ko na alam ang gagawin ko prof..." Umiiyak kong saad. Nakita ko ang paghinga nya ng malalim bago nagsalita

"Hindi mo sana sya iniwan... Hindi sana mangyayari ito... Maaaring sa mga oras na ito, marami nang nagbabalak na masama para sa kaharian nila" Mahina nyang saad.

"Kailangan nyong maipanalo ang misyon na ito December iha... Kailangan makabalik kayo sa mundong pinanggalingan nyong dalawa dahil kung hindi, baka kung ano pang mga posibleng mangyari" Napakunot ang noo ko...

"N-nyo? Wala naman po akong kasama prof..." Umiling iling sya bago hinawakan ang mga kamay ko at tiningnan ako

"Kagaya mo, ang Prince Zian na kaharap mo noon ay hindi totoo. Isa lang syang impostor katulad mo. Meron din syang misyon kagaya mo, at yun ay ang iligtas ang kaharian ng totoong Prince Zian mula sa kamay ng mga masasamang kalaban... Dahil sa ginawa mo, unti unting nag wawagi ang kasamaan. Maaring hindi na sya makabalik sa totoo nyang katawan, kagaya mo" Hindi maproseso sa utak ko ang sinabi nya. Paanong...

Ibig bang sabihin... Isang tao rin ang kausap at kinikilala kong Prince Zian? Paanong nangyari yun?

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now