𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (11)

2.1K 114 19
                                    

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (11)

"Kailangan mo nang kumain iha... Baka kung mapano ka..." Nag aalalang saad ni Nanay Nora sakin pero hindi ako nakinig sakanya. Ilang linggo na ang nakalipas magmula nung ginalaw ako ni Prince Zian at hanggang ngayon ay wala padin akong gana sa lahat ng bagay.

Nandito rin naman si Rica at gaya ng dati, tinatarayan nya pa ko at iniinis. Kinuwento din nya sakin na may nangyari sakanila ng prinsipe. Pero wala akong pakialam...

Huminga ako ng malalim bago tumango nalang. Kinuha ko ang ibinigay nyang pagkain... Nagbow muna sya sakin bago umalis. Si nanay Nora lang ang lagi akong pinagsisilbihan at kinakamusta while ang iba namang mga kasambahay ay tinatarayan ako at binubully kase galing ako sa mahirap na pamilya. Si Rica ang pinagsisilbihan nila kase nga prinsesa sya. Prinsesa na may maitim na budhi...

Pasimple kong kinuyom ang kamao ko bago huminga ulit ng malalim. Kinuha ko ang isang notebook na nasa side drawer dito sa kwarto ko at binuklat iyon. Naglalaman yun ng mga plano ko kung pano ako makakatakas sa impyernong lugar dito...

Mamayang gabi, may party ata at pupunta dito yung ibang kingdom. It means, nandito rin si Ricardo. Nandito si Reece at nandito rin si Ate Analisa since sya naman ang girlfriend nung Reece.

Wala din akong balita tungkol kay Tata Canor at isa pa, kaya ako tumakas because kailangan kong makabalik sakanya. Kailangan kong humingi ng sorry dahil kahit wala akong kasalanan ay parang meron na rin kase asawa ko ang lalaking nanakit sakanya

Wala akong ibang kasabwat, ako lang mag isa dahil wala akong pinagkakatiwalaan dito at wala din naman akong kausap na iba dito bukod kay nanay Nora and I know na ibubuking nya rin ako...

Mabilis na sumapit ang gabi. Pasimple akong naghahanda para sa aking pagtakas nang biglang may pumasok sa kwarto ko. Kaagad akong napalingon at nakita ko mula roon si Rica na halatang bagong ayos pa...

Tinaasan nya ako ng kilay at ngumisi sakin bago umupo sa kama ko. Nanatili akong tahimik. Alam kong kahit saang anggulo, kahit mauna man sya sakin lalabas parin na ako ang may kasalanan... Kaya kung maaari umiiwas ako sakanya

"Ang liit naman ng iyong kwarto. Tsk! Sabagay, di ka naman nya mahal di ba? Isa ka lang naman nyang parausan... Sabihin mo sakin, may nangyari na ba sainyo?" Usisa pa nya. Huminga ako ng malalim

"Wala... Bakit ba? At tsaka kung may mangyari man samin, wala ka nang pakialam dun kase asawa nya naman ako" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Siguro dala na rin ng kaba

"Talaga? Asawa ka nya? Sa pagkakaalam ko kase, magpapakasal ang isang prinsipe sa isang prinsesa. Kagaya ko, at ikaw, isa ka lang namang simpleng mamamayan dito at hindi na magbabago na isa ka lang hamak na mahinang nilalang. Wala ka rin namang kapangyarihan di ba?" Pinipigilan kong wag magalit sa babaeng nasa harap ko kahit ang totoo ay gusto ko na syang ilampaso sa sahig

"Alam mo noh? Minsan nagtataka ako. Bakit parang hindi na ikaw ang Rica na naging kaibigan ko? Nasaan na ang Rica na matalik kong kaibigan... Bakit ka nagkaganyan? Nakikita ko sa mga mata mo na may namumuong galit at inggit. Bakit Rica? Anong meron?" Seryoso kong tanong sakanya.

Bigla namang nawala ang ngisi sa labi nya at inayos ang suot nya bago nagsalita. Umiwas din sya ng tingin

"Gusto mo bang malaman? Kase, mang aagaw ka... Matagal mo nang alam na may gusto ako sa prinsipe... Ni hindi ka man lng pumalag di ba na hindi maikasal sakanya... Kung totoo kang kaibigan ipapaubaya mo sya sakin" Saad nya.

"Mapapahamak ang kapatid at ang tatay ko... Hindi mo ba naisip yun?" Tumaas naman ang kilay nya

"Anong pakialam ko kung mapahamak sila? Lahat ng mga mahinang nilalang sa mundong ito ay wala namang silbi at walang kwenta... Kung totoo kitang kaibigan, kahit mamatay ka man handa ka alang alang saakin" Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko syang suntuki, murahin at tadyakan, gusto ko syang sabunutan...

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now