𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (17)

1.7K 90 0
                                    

𝗘𝗦𝗖𝗔𝗣𝗘 (17)

Mabilis ang mga naging pangyayari, namalayan ko nalang ang sarili ko na kasamang lumaban. Pero meron akong taong hindi inasaasahang makita. Nandito ang tatay ni Victoria. Pero ang mas malala, kalaban namin sya at higit sa lahat, nandito rin si Ate Analisa.

Nang makita nila ako, bigla silang natigilan pero nagulat ako nang tutukan ako ni ate ng espada. Napalunok ako dahil sa takot. Masama rin nya akong tiningnan.

"A-ate..." Natatakot kong tawag pero mas lalao nya lang idiniin sakin ang espada. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata nya na galit na galit sya at gusto nya akong saktan

"Wag mo kong tatawaging ate! Wala akong kapatid na traydor!" Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi nya. Bakit ganun sya?

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo ate..." Umiiyak kong saad at akmang lalapitan sya nang bigla nya akong sugatan sa braso dahilan para mapadaing ako. Napaupo ako. Bigla namang dumating si Zion at tinulunga akong tumayo

"Ayos ka lang?" Napatango ako at tiningnan si Ate na ngayon ay galit parin akong tiningnan. Hinawakan ni Zion ang braso ko at nilipat ang tingin kay ate

"Kapatid mo sya?" Tanong nya habang matiim na nakatingin kay ate na ngayon ay matlim kaming tiningnan. Tumango ako

"May komokontrol sa ate mo... Hindi sya ang totoong komokontrol sa katawan nya kaya ganun sya kumilos" Mahinang saad nya... Nagulat ako nang biglang may lumitaw sa likuran nya. Nanlaki ako sa nakita

"R-rica!" Gulat kong saad. Bigla naman syang ngumisi. Kulay itim ang mga mata nya...

"Gulat ka ata mahal kong kaibigan? Ako ito... Si Rica. Hawak ko ngayon ang kapatid mo... At pwede ko syang patyin kahit ano man oras" Pananakot nya sakin.

Itinuon nya ang hawak na espada sa leeg ni ate Analisa. Matalim parin akong tiningnan nito. Ibig sabihin ba... Kinokontrol sya ni Rica?

"Tama ka... Kontrolado ko ang ate mo... Isang utos ko lang sakanya, pwede ka nyang patayin... O kaya naman, sabihin ko nalang sakanya na patayin ang sarili nya" Bigla syang tumawa nang pagkalakas lakas

"Rica enough... Tama na yan, akin na si Analisa" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang papalapit na si Reece. Ibig sabihin sila ang may pakana nang pagsugod dito sa kaharian?

Nanatili namang matalim ang tingin sakin ni ate. Nagulat ako nang unti unti syang umiyak ngayon at napaluhod na dinaluhan naman ni Reece.

"V-victoria kapatid ko... Bakit mo kami nagawang talikuran?" Nakayuko nyang saad dahilan para matigilan ako at maawa sakanya.

"Hindi mo man lang inisip ang mga mahal mo sa buhay Victoria... Gabi gabing umiiyak ang iyong itay at kapatid dahil nagawa mo silang iwan at hindi na muling nagpakita pa. Galit ang iyong ama dahil sa ginawa mo" Napatakip ako sa bibig habang patuloy namang umiiyak si Analisa.

"At sino namang maniniwala sainyo? Gawa gawa nyo lang ang kwentong iyan alam ko. Victoria, halika na... Protektahan ang mahal na reyna!" Biglang sigaw nya dahilan para magsidatingan ang iilang hukbo ng kawal at hinarangan ako...

Hindi ko nakita pa sina ate at Rica. Nanikip ang dibdib ko dahil sa aking nakita kanina. Doon ko lang napagtanto na hindi ko man lang sila naiisip


Natapos ang digmaan. Nalaman ko na ang ama ni Rica na si Haring Arturo daw ang may pakana ng digmaan na ito nang malaman nyang sinaktan ni Zian si Rica at hindi inihalal na maging reyna.

Malaki ang naging pinsala ng digmaang iyo, nalaman ko rin na kasamang namatay ang kapatid ni Myrna at ang isang lalaking anak ni Nanay Nora. Dahil sa naging digmaang iyon, naging hudyat ito sa lahat na maghanda... Mabilis rin itong kumalat na nakapagpadahilan ng pagkatakot ng mga kabayanan...



Nagdaan ang mga ilang araw, hindi ko na masyadong nakikita si Zian sa palsyo, ang sabi ng mga kasambahay na pinagtatanungan ko ay pumunta daw ito sa ibang palasyo para humingi ng tulong at makipag alyansa. Napag alaman ko rin na nilulusob na ang ibang mga kaharian... At ang pakana ay si Haring Arturo ng Nyx...



"Mahal na reyna... Nandito na po si Prinsipe Zian" Balita sakin ni Myrna na ngayon ay hinihingal na tinatawag ako... Napatayo ako kaagad at agd na pumunta sa labas. Gusto ko syang yakapin at ito na ng pagkakataon ko.

Nasa silid sya, iyon ang sabi ni Myrna kaya kaagad akong pumunta doon. Ang kaninang ngiti sa labi ko ay unti unting nawala nang makita ko kung sino ang kasama nya. Unti unting nagsituluan ang mga luha ko at napabagsak ako sa sahig. Napalingon sila sakin. Gulat naman akong tiningnan ni Zian

"W-wife..." Lalapitan na nya sana ako pero umatras ako...

"B-bakit? Paano mo nagawa sakin to Zian?" Umiiyak kong saad... Ngumisi naman si Rica bago tinakpan ng kumot ang katawan nya.

"Ako ang mahal nya Victoria... Tanggapin mo nalang ang katotohanan na ako ang mahal nya at hindi ikaw" Nakangisi nyang saad at kaagd na inilapit ang mukha kay Zian saka ito hinalikan

"Umalis ka na" Nagulat ako nang biglang lumamig ang ekspresyon at ang boses nya. Tiningnan nya din ako ng malamig. Pero nang tingnan ko ang mga mata nya ay hindi ko alam kung bakit parang nalulungkot sya at may gusto syang sabihin sakin pero di nya lang masabi...

Napatango ako at kaagad na umalis dala ng bigat ng kalooban ko. Naabutan ko si Lyra... Sya ang kanang kamay ni Rica at palagi nya akong tinatarayan

"Bakit ka umiiyak mahal na reyna?" Sarkastiko nyang tanong sakin dahilan para taliman ko sya ng tingin pero ngumis lang naman sya sakin

"Ano bang pakialam mo?" Galit kong saad pero imbes na matakot ay tumawa sya sakin bago nagsalita ulit

"Nakita mo na po pala... Buti naman po at natauhan na kayo... Hindi na po ikaw ang mahal ng prinsipe dahil si Prinsesa Rica ang mahal nya. At ikakasal na silang dalawa..." Nanghina ako sa sinabi nya at umiling iling

"Ako ang pakakasalan nya! Dahil ako ang mahal nya!" Hindi ko alam pero maisigaw ko na iyon sa pagmumukha nya. Halatang nagulat sya at napaatras pero kalaunan ay ngumisi na rin bago nagsalita ulit

"Tingnan lang po natin kung totoo ang sinasabi mo" Saad nya at kaagad na umalis at iniwan ako. Napaupo ako sa sahig at doon umiyak.

"Sabi ko naman kase sayo, hindi ka nya kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo" Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Ricardo na nakatayo sa may hagdanan habang seryoso kong tingnan. Napaiyak ako at agad syang nilapitan. Kahit ngayon lang, kailangan ko na muna nang kayakap

Kaagad ko syang niyakap at doon umiyak sa kanyang balikat. Sobrang sakit ng naramdaman ko ngayon, naramdaman ko namang hinagod nya ang likod ko at hinalikan ang ulo ko

"Nandito lang ako... Hindi kita iiwan kahit ipagtabuyan mo pa ko" Mahinang saad nya na nagpangiti sakin. Ngayon alam ko na kung bakit sya minahal ni Victoria... Ang dali nyang makaintindi sa lahat ng bagay...

Kaagad akong napapikit at doon naalala si Zian. Naniniwsla akong hindi pa huli ang lahat. Alam kong mahal nya ako at ipaglalaban ko sya. Babawiin ko sya kay Rica

Escaping from the Obsessed Vampire Prince (NEW VERSION)Where stories live. Discover now