CHAPTER 20 Doctor Chaos

671 30 10
                                    


Doctor Kaguluhan

LUCID JAZE'S POV

Pag mulat ng mata sakit ng ulo ka agad ang naramdaman ko at hindi maka galaw ng ma ayos dahil sa naka benda kong kamay.

Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko pati na ang likuran ko. Sabihin na nating ang buong katawan.

Kinapa ko ang leeg ko upang suriin kung may lagnat pa ba ako.

Kaya pala sobrang lamig kagabi kahit hindi naman nakabukas yung AC pati mga bintana gininaw pa rin ako.

Pinilit kong tumayo sa higaan dahil may klase pa ako. Kailangan kong pumasok.

Dumeretso ako sa kusina, napahawak ako sa mesa nang umikot ang paningin ko. Napa pikit sa sakit, napalundag ako sa biglang kumalabog na pinto.

Tangina sinong pupunta rito sa ganitong oras? Pag tingin ko sa Wall clock na nasa kusina 6:45 na ng umaga.

Shit! 7 am ang klase.

Walang tigil ang pag kabog sa pinto kung sino man ang hayop na nasa labas na may lakas ng loob na mag bulabog sa bahay ko.

"Tang ina sandale!" Malutong na mura sa inis.

"BESPRENSS!!" Natigilan ako sa pag lalakad.

Nag iba na pala takbo ng desisyon ko.

Dumeretso ako sa restroom para mag hilamos. Papaano ako maliligo sa lagay na to?

"BESPRENS! NAGUGUTOM NA KAMI!" Napa pikit ako sa inis sa lakas ng kalabog kahit nasa loob na 'ko ng restroom.

Baka may balak siyang sirain ang pinto.

"ALAM KONG GISING KA!"

"LALABAS KA O SUNUGIN NAMIN BAHAY MO?!"

"Wag nga kayong maingay"

Pabagsak kong binuksan ang pinto at binigyan sila ng matalim na tingin.

Bukod sa sakit ng ulo ang bumungad sa umaga, isa pa 'tong mga hayop na naka abang sa harapan na sina Rin, Cash, Zahavi, Tres at Miles.

Pansin kong wala si Chaos at Seven.

"Tang.ina. Anong kailangan nyo?"

"Finally."

Tinabing ni Cash ang balikat ko at dere-deretsong pumasok sa loob kasunod ang mga ugok na nakangisi.

"Morning, Lucid." Tap sa ulo ni Rin.

"Nice hair." - Nikolai.

"Good morning!" -Atreus.

"May pagkain kaba?" -Miles.

"Hi Besprens! Nagluto kana ba ng almusal?"

Liningon ko si Zoro na dapat kainin sila ng buhay na taga bantay sa bahay pero laking gulat ko may Dog Food sa harapan nya.

Kaya pala nananahimik pinalamon ang ungas.

Madiskarte kayong mga hinayupak kayo.

May dalang dog food pero walang ipaglamon sa sarili.

"Ke aga-aga nang bubulabog kayo?" Iritadong tanong ko.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now