CHAPTER 5 Soup

728 34 10
                                    

Soup


LUCID JAZE'S POV

*KINABUKASAN

Lunch break ngayon kaya napag isipan ko munang kumain sa Café dahil gutom na gutom na ako.

"Besprens! Saan punta mo?" Si Zahavi.

May dala dala siyang bola, mukhang nag babasketball kasama mga kaklaseng hamog.

"Bat mo tinatanong?"

"Eh baka kasi may mangyari na naman say---"

"Zahavi! Let's go!" Sabat nung si Chaos.

Naiinis kong nilingon yung Chaos na 'yon. Nakatingin rin pala siya sakin sabay irap ng mata.

Tss. Napaka bossy ng hayop.

"Sandali lang! Kausap ko pa si----ah sandali!" Hinablot ni Chaos yung likuran ng shirt ni Zahavi at hinila palabas ng room.

Mabuti yan. Umalis kana.

As usual, bawat nadaraanan kong mga estudyante parang ngayon pa lang sila nakakita ng babae rito sa eskwelahan nila.

Hindi ko alam kung naninibago ba sila o tinitignan nila ako dahil don sa pagsapak ko kay Dave Mathew.

Nag line na ako para mag order ng pagkain.

"Oh, may babae. Ikaw 'yung transferee iha?" Tanong nung babae na medyo matanda.

"Opo."

"Mabuti naman at may babae na muli sa eskwelahang ito. Anong order mo?"

Tumingin ako sa mga menu na naka paskil sa taas parang sa jollibee.

"Isang A2 po. Pwedi manghingi ng soup?"

Ngumiti siya. "Oo naman! Sandali lang iha."

"Maraming Salamat po."

Maya maya lang dumating na yung order ko na may kanin, fried chicken, dalawang stick ng barbeque, sabaw at may panghimagas na rin.

"Bayad po. Salamat po ulit."

Halos maglaway ako dahil mukhang masarap ang soup at mainit init pa.

Akmang aalis na ako ng magsalita ulit sya.

"Iha mag iingat ka lalo na't lalaki ang mag aaral na kasama mo at baka maulit ang nangyaring aksidente noon." Seryosong wika nya.

Nagpeke ako ng ngiti bago tumango at tinalikuran sya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, ang daming katanungan sa isip ko.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now