CHAPTER 18 One-On-One

619 32 4
                                    

One-On-One

LUCID JAZE'S POV

"FIGHT! FIGHT! FIGHT!"

"WALA 'TO GUYS!"

"BOBO! DUWAG!"

"PURO KA KASI YABANG!"

"SINASAYANG MO ORAS NAMIN!"

"PABAGSAKIN MO BOSS!"

Puro hiyawan ang tanging naririnig ko sa palagid.

Puro pag iwas sa sipa at suntok ni Dave ang kanina ko pang ginagawa at halos hindi ko na mabilang dahil hindi ako maka tyempo sa galaw nya.

Sa dating eskwelahang pinapasukan ko ni minsan hindi ako sumabak sa ganitong walang kwentang laro dahil taga nood lang ako sa gilid at tagahiyaw sa mga manlalaro.

Hindi ko akalain siya pa ang mag aaya sakin ng one-on-one sa kabila nang babae ako.

Sabagay, walang pinipili ang mga hayop na deretso ang utak.

Ngayon ko lang naisip na hindi lahat ng lalaki tulad ni Chaos na may respeto sa babae at hindi pumapatos.

Napasinghap ako ng biglang mag High kick si Dave. Ramdam ko ang kaluskos ng kanyang paa sa hangin at malaking pasasalamat ng maiwasan ko ito dahil siguradong ma na-knock out ako kapag tinamaan.

"Fvcking dull!" Sigaw nito at halata sa kanyang mukha ang galit.

Mapang asar ko siyang inismirk-an dahilan ng pagkainis nya lalo.

"Pagod ka na ba?" Tanong ko ng ngisi ang isagot sa'kin.

Napipikon na siya.

Nagulat ako nang sunod sunod na pag atake ang kanyang ginagawa at sobrang bilis n'yang kumilos dahilan ng paghingal at pagod ng katawan ko.

"Kalmahin mo."

Napangisi ako nang maluwang ang posisyon nya ng pag tayo.

Mabilis kong pinosisyon ang katawan ko't walang alinlangang dinapuan ng kamao ang pisngi niya.

"WOOAAAHH!!"

"FIGHT! FIGHT! FIGHT!"

"SAPUL!!"

Sigawan nilang lahat.

Gulat ang kanyang mukha at hindi makapaniwala. Dumura siya ng dugo sa sahig at mahinang tumawa. Napalakas ata ang suntok ko.

"That hurts." Punas sa labi.

"Masakit talaga." Kindat ko sa kanya habang nakangisi.

Bumulas ang tawa niya. "Hah! Damn."

Nang ramdam kong hindi na siya aatake, umayos na ako ng tayo.

"I don't have time for this, Dave Matthew."'

Tinalikuran ko na siya nang biglang naramdaman kong matigas na bagay na humampas sakin sa bandang batok ko dahilan ng pagkahilo at pag luhod ko sa sahig, ka agad kong ramdam ang sakit sa lakas ng pagkahampas.

Hindi sila patas!

"ARRGGH!" Napasapo ako sa noo at pilit na tumayo sa kinauupuan ko.

"Banatan mona boss!"

Sigaw ng nasa likuran niya na may hawak na tubo ng mag hiyawan ang mga estudyante.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now