CHAPTER 37 He's Arrived

628 31 28
                                    

He's Arrived

LUCID JAZE'S POV

Hindi pa rin ako kinakausap ni Chaos dahil sa nangyari kahapon.

Ilang beses ko nang pinaliwanag na babae si Justin ayaw niya pa rin maniwala.

Wala rin akong mapakitang picture dahil hindi kami parehong mahilig mag picture ni Justin kahit ilang taon na kaming magkasama.

Normal ba 'yon sa magkaibigan?

Nasa classroom kami hinihintay si Sir dahil may announcement raw. Bigla naman pumasok sa isip ko yung sayaw sa P.E, pakiramdam ko'y nakalimutan na ni Sir 'yon.

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng bumungad si Camille sa amin na may dalang dalawang box na pizza.

"Hi boys!" Masiglang aniya nang mawala ang ngiti ng nakita ako.

"Camille" - Cash

"What's up?" - Levi.

"Lahh Pagkain ba yan?!" Si Zahavi.

"Walang panulak?" - Tres.

Kakapal talaga ng mga mukha nila.

Lumibot ang paningin nya nang dapuan ako ng tingin at pekeng ngumiti at sabay na umikot ang mata. "Where's Chaos?"

Kumunot naman ang noo ko sa huling ginawa niya. Inirapan ako? Anong ginagawa ko sa babaeng 'to?

"What the hell are you doing here?"

"I brought them Pizza." Biglang nagsitakbo ang mga paa ng ilapag ni Camille iyon.

"Pahingi ako!" - Miles.

"Pizzaahhhh!!" -Zahabi.

"Pizza?" - Kaito.

"Walang hot sauce?" - Atreus.

"Ayun oh tanga" - Nikolai.

"May I have one?" Devin.

"Matik na yon! tropa ka namin" - Kenoah.

"Oo naman pre. Sayo yung kahon" - Jaazer.

"Hahahaha loko Jaazer" - Cash.

"Lucido! dito kain" - Lorenze.

Tumango ako sa kanila bago tumayo. Nagugutom na rin kasi ako.

Nahagip sa gilid ng mata ang pag uusap ni Chaos at Camille sa sulok. Hindi ko sila marinig pero kita ko ang pag salubong ng kilay ni Chaos na wala nga sa mood.

"Pahingi ako ng hot sauce." Inabot sa'kin ni Zahabi.

Pagkagat ko pa lang ng pizza ay nabilaukan na ako nang mabilis na hinalikan ni Camille ang pisngi ni Chaos.

Nanlaki ang mga mata ko at gusto ko silang sapukin. Sa harapan ko pa mismo? Hindi manlang iniwasan ng kumag.

"Oh, kalmahan mo besprens." Tapik ni Zahavi sa braso ko.

"Hindi naman ako nagseselos."

"Wala naman akong sinabing nagseselos ka." Inis kong nilingon si Zahavi na nakangisi.

Ngumuso pa si Camille halatang nag papa-cute kay Kaguluhan. "What is wrong ba? Hm?"

Mabilis akong umiwas ng tingin at kumuha pa ng isang pizza. "Nakakadalawa kana Jaze!" Hindi ko pinansin si Tres at naupo na ako sa pwesto ko.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now