CHAPTER 15 Apology

644 30 4
                                    

Apology

LUCID JAZE'S POV

Napabugtong hininga ako habang papalakad papasok ng gate, tanaw ko si Atreus at ibang kaklaseng kasama nya.

"Hey Lucid Jaze!" Nakangiting tawag nya at tumakbo palapit sa kinatatayuan ko.

"Good morning! Musta paglilinis mo kahapon? mukhang na stress ka sa dalawa hahaha."

"Morning din. Ah oo, parang mga bata." Sagot ko.

"Psh." Singhal ng kasama nya.

"Ito nga pala si Michael and Jaazer classmate natin."

Tinanguan ko silang dalawa. "Sup? morning."

Ngumiti ang isa. "Good morning. Lucid Jaze?"

Tumango ako bilang sagot.

"Jaazer nga pala. Classmate mo ako." Matamis na ngiti niya.

"Ah oo----"

"Kailan mawawala ang pagmumukha mo sa eskwelahang ito?" Natigilan kaming tatlo.

"Michael, enough." Suway ni Atreus.

Michael pala ang pangalan ng lalaking 'to na parating salubong ang kilay.

Mag dadalawang linggo na hindi pa rin tanggap na dito na 'ko.

"Hindi ko alam.  Pagtapos ng graduation?" Sakristong tono ko.

"You know what. I hate seeing your motherfvcking stupid face." Namumula yung mukha sa galit.

"Laki ng problema mo. Edi pumikit ka."

Nagulat ako ng isang iglap mabilis nyang hinablot ang shirt ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay nya hawak ako.

"H'wag mo akong umpisahan, Lucid." Gigil na sabi nya.

"Dating ka bang gago? Sino kayang nag umpisa sa ating dalawa?" Pinanatili kong kalmado ang pakikitungo ko.

"What's going on here? Michael?" Boses ni Rin.

Kita sa gilid ng mata si Chaos, Seven at ang iba pa nyang kasamahan.

Inismirkan ko sya at bahagyang tinulak dahilan ng pag bitaw nya sa shirt ko.

Ayokong magsalita, ayoko rin humanap ng kabangasan lalo na sa mga kaklase.

Kailangan kong mapalapit sa kanila.



Buong klase ay wala akong ginawa kung hindi manahimik kahit pa dada nang dada ang mga nasa tabi ko.

Wala kaming teacher kaya't nag lecture na lang ako.

Ganon ako kasipag mga pre.

Hinarap ako ng tatlong itlog. Manggugulo na naman. "Hoy Besprens, ayos ka lang? Bakit ang tahimik mo ata?"

"Nagsusulat" Si Miles.

"Good student." Tres.

Hindi ko sila sinagot at patuloy sa pagsusulat.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now