CHAPTER 36 Phone Call

654 35 35
                                    

Phone Call

JAZE'S POV

"Ahh! sh*t masakit"

"I-I'm sorry"

"Namo Chaos! na-napunit!"

"I'm sorry. Told you 'wag kang malikot!"

Halos maiyak ako sa sakit dahil sa pag diin ng bulak ni Chaos sa putok na labi ko.

Kanina nya pa ginagamot hindi matapos tapos dahil sa panginginig ng kamay nya.

"Does it hurts? I'm sorry." Pout nya at hinawakan ang baba ko.

"Hindi, ayos na."

Ang init ng labi ko parang pinapaso.

Kita ko ang panlalaki ng mga mata nya. "Dumudugo."

Kinagat ko ang labi ko ng malasahan ko ang lasang kalawang sa dila ko.

"Sino ba kasing may gawa nyan? Do you want me to hunt him down?" Inis na tanong nito.

Napalunok ako ng matigas dahil pansin kong sobrang lapit ng mukha nya.

"Hayaan mo na." Sagot ko bago itabing ang kamay niya at iniligpit ang maliit na emergency kit.

Ramdam ko ang titig nya habang liniligpit ko 'yon ng pag lingon ko sa kanya'y nakatitig nga siya.

"Ano?"

Wala akong mabasang reaksyon sa mukha nya. "I'm hungry."

"Ngumuya ka ng bato."

Mabilis na umasim ang mukha niya at tumayo.

Lumapit siya sa'kin habang nakanguso, mukha siyang bata na gustong magpa baby.

Nagulat ako ng bigla niyang pinalupot ang kamay sa bewang ko.

"Bitaw ka nga!"

"Love love." Para siyang bata.

"Ano ba?!"

"Shh! H'wag kang maingay." Takip niya sa bibig ko.

Mabilis kong inalis ang kamay niya at umupo sa mesa. Magkasing label na kami ngayon.

"Ano?"

Nakanguso siya na parang bata. "Can I hug you? I need to recharge."

Hindi pa man ako nakahinga inambahan na niya ako ng mahigpit na yakap at isinandal ang ulo sa balikat ko.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako makagalaw. Amoy na amoy ko ang pabango niya kahit pa napawisan siya kanina ang bango pa rin niya.

"Tss, bakit hindi ka kay Camille mag recharge."

"Hm? Ayoko."

Bigla akong napa isip. "Nuyon, option mo lang ako?"

Bigla siyang kumawala sa yakap. "What? What option?"

"T'wing wala si Camille nag iiba ang pakikitungo mo sa'kin---"

"Jaze." Putol niya sa sinasabi ko. "Look, I like you. Jaze I like you. Camille is from my past."

Napabugtong hininga siya.

"I'm sorry." Yuko ko.

"Sorry saan?"

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now