CHAPTER 12 Fourth Floor

641 28 3
                                    

Fourth Floor

LUCID JAZE'S POV

"Ba-Bakit mo ako hinalikan?"

Matapos na maproseso ng utak ko ang lahat nang ginawa ni Chaos, pagkagulo at galit ang nararamdaman ko.

Nakatalikod siya sa'kin pero kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya na lalong nagpagulo ng aking isipan.

"H-Hoy kinakausap kita!"

Ngayon naman hindi siya makatingin sa'kin?

Ang awkward pero...

"I-I just felt to do so." Aniya nang hindi lumilingon.

Lalo akong nainis sa sagot niya. 'I just felt to do so'?

Napasinghal na lang ako at hindi makapaniwala.

"Just felt? Tangina ang angas mo ah." Hindi ko maiwasang mapamura.

Pinaramdam kong hindi ako natuwa sa tono ng boses ko.

Hindi naman ako nabigo dahil napalingon siya sa'kin.

"Nang halik ka ng taong wala naman sayo?"

"Who said wala ka lang sakin?" Tingin niya sa mismong mata ko na tumaas pa ang boses.

Bahagyang nandilat ang mata ko, kumabog ang dibdib ko at para bang pinisil ang puso ko.

"A-An----"

"Tss. Tulungan mo ako rito."

Ramdam ko ang pag init ng ulo ko nung napansin kong pag talikod ni Chaos lalong namula ang tenga niya.

Kanina ring humarap siya mukha siyang kamatis.

Bumalik ako sa wisyo nang magsalita siya. "What now? Waiting grass to grow? Tulungan mo 'ko rito."

Sa tono ng pananalita parang boss ah. Ang sarap niyang sakal sakalin sa leeg.

"C'mon malayo pa lalakbayin natin." Hindi sya makatingin sa mga mata ko. Naiirita siya at limitado ang kilos.

Sandali ko siyang tinitigan. "Hindi ka manlang mag so-sorry sa ginawa mo?"

Sana naman kahit kabutil makonsensya siya.

"Kapag ba nag sorry ako mabubura 'yang kiss ko sa labi mo?"

Nagulat ako sa sagot niya at mabilis na nag iwas ng tingin nang ramdam kong pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Akdjfdnffj.

"Sa-Saan ba natin sya dadalhin?" Naglakad ako patungo sa tabi ni Seven.

"Lumang building."

"Malay ko saan 'yang lumang building na 'yan?"

"Fine. Sa fourth floor na lang para mas malapit."

"Tss, sabi ko naman i bridal carry mo nalang." Pang aasar ko para mabawasan ang awkwardness sa paligid.

"Isa!"

"Oo eto na, tutulungan na kita."

Nasa harapan kami ngayon sa isang pintong kahoy na naka lock gamit ang alambre.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now