CHAPTER 4 Chaos Damoves

858 38 20
                                    

Galawang Chaos Khan

LUCID JAZE'S POV

"Ikaw yung sumapak kay Dave Mathew." Tumawa pa siya.

Sana huling tawa na niya yan.

ಥ⁠‿⁠ಥ

Lalong nagsalubong ang kilay ni Zerin.

"Dave Mathew?"

Hindi ako makatingin sa kanya.

Ang yabang ko pa naman kanina na hindi ako pumapatos.

Kasalanan naman nila 'yon. Tahimik akong naglalakad ginanon ba naman ako.

"Yeah. Dave ng Street Gang."

Tss. Hindi nga ako nagkamali budol gang rin isang 'yon.

"What the fvck Lucid."

Pilit akong ngumiti sa kanya at nag peace sign.

"Eh, 'yan ba yung transferee? Pwedi ko bang ligawan?" Rinig kong bulong niya kay Zerin.

"Go ahead."

"Una na ako." Paalam ko bago sila talikuran.

Malayo pa lang ako sa classroom ramdam ako nang nagkaka gyerang pandaigdig na sa loob.

Nakasarado ang mga pinto sa magkabilaan pati na rin ang mga bintana.

"Damn, they did it again." Si Zerin. Bilis naman niya.

"Bakit sarado ang pinto?"

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pagbukas pa lang nito bumungad na ang kabog ng speaker at ang makapal na usok na dumampi sa pisngi ko.

Nakapagtatakha lang bakit hindi amoy nasusunog dahil sobrang bango, amoy ko rin ang strawberry sa usok.

Nang mapaypay ko ang usok sa harapan halos malaglag ang ngala ngala ko at ang unang dumapo sa paningin ko ay si Chaos.

Si Chaos na walang pang itaas pati na si Seven?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng pansin ko ang mga Tattoos sa kanilang balat. Lalo na yung lalaking mukhang inosente sa kanilang lahat  puno rin ng mga Tattoo sa dibdib at tagiliran.

Pati na si Zahavi! kita ko ang letrang 'F' na tattoo sa bandang tagiliran.

Ang gagong 'to may tattoo rin pala.

Hindi ko ma ialis ang tingin ko kay Chaos dahil sa kisig ng katawan nya hawak ang mukhang power bank na may lumalabas na usok.

Sa pagkaka alam ko vape ang tawag dyan.

Bigla silang napalingon sa gawi namin na halos mataranta sila sa pagsuot ng kanya kanyang school uniform maliban kay Chaos na sumabay sa mga titig ko.

Mabilis akong nag iwas ng tingin, pakiramdam ko sobrang pula ng pisngi ko ngayon.

Baka akala niya pinagnanasa ko katawan niya.

Pansin ko si Zahavi na walang tigil pa rin sa paghula ng lyrics na may pa pikit pikit pang nalalaman ng batukan sya ni Miles.

"Aray naman!"

"Tangina mo mag damit ka." Nginusuan ako ni Miles nang ngumisi lang si Zahavi sa'kin.

"Nakapag date na ba kayo?" Taas babang kilay nya na may panunuksong tingin sa kakambal.

"Shut up, Zahvi." Umupo sa likuran si Rin.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu