Special Chapter #4

2.4K 94 45
                                    











Kung hindi sya sisigaw, hahampasin nya ako sa braso. Napapatanong nga ako kasi ba't sigaw sya ng sigaw eh wala naman syang nakikita.

Nakatakip kaya mga kamay nya sa mga mata nya!

Kung hindi naman sya natakip eh nakayakap lang sya sa side ko tapos nakasiksik yung mukha nya sa leeg ko.

Kanina pa sya ganito after nyang magulat dun sa mukha ni valak. Yung paglabas nya bigla sa salamin.

"Tol, is it over na ba?"

Yan! Kanina nya pa tinatanong yan. Nasa kalagitnaan palang ako ng Conjuring jusko.

"Hindi pa." sabi ko nalang habang tutok na tutok parin sa mga nangyayari sa screen ng TV.

"What?!" eksaheradang tanong nya. "Why it's so matagal? Kanina pa tayo nanunuod." sabi nya pa.

"Anong tayo? Ako lang kaya nanunuod." sabi ko. Pilit kong iniaangat ulo nya sa balikat ko.

"Umayos ka nga."

Mas lalo nya lang akong niyakap at ibinaon ang mukha nya sa leeg ko jusko mas kinikilabutan ako sa kanya.

"Maayos naman ako, Tol. I like it here better."

Huh?

Ang ewan nya. Nauuhaw ako.

"Tol kuha ka tubig. Nauuhaw ako." utos ko sa kanya.

"W—what? Di mo ba kayang pigilan uhaw mo?"

Napa-irap ako.

Ba't ko kailangang pigilan ang uhaw ko?!

"Karina tuyot na tuyot na lalamunan ko tapos gusto mong pigilan ko?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Hindi na ako maka-focus sa movie.

"Hold it still hanggang matapos ang movie. Tinatamad akong bumaba." sabi nya.

"Tinatamad kang bumaba o natatakot ka?" usisa ko sa kanya.

She scoffed. Tapos ay nilayo nya ng konti yung mukha nya sa leeg ko para tignan ako.

"I'm not scared. Why would I be scared?" pagde-deny nya.

"Weh? Kung di ka takot eh di ikuha mo na ako ng tubig. Tsaka pagkain."

Sumama yung mukha nya kaya natawa ako ng bongga.

Sobrang ewan ng itsura nya. Para syang takot na constipated.

Mas lalo sumama yung expression nya ng tumawa na ako ng tumawa.

"I'm giving you 2 minutes para ubusin yang tawa mo." seryosong sabi nya.

Napatikom naman agad ako ng bibig. Trying my very best para wag lang tumawa. Kinakagat ko na yung lower lip ko.

Jusko ang sakit lalo sa dibdib.

"You're still laughing." sabi nya.

Umiling ako. Hindi ko kayang sumagot baka matawa ako.

"You're smiling." sobrang annoyed nung itsura nya kaya naman hinawakan ko nalang yung magkabilang cheeks nya habang pinipigilan paring tumawa.

I give her a peck on the lips.

Tapos pagtingin ko ulit sa kanya naka nguso lang sya.

"You're making fun of me. Hindi naman ako natatakot." natawa nalang ulit ako.

"Oo na. Hindi ka na natatakot." I let go of her face tapos umayos ako ng upo sabay silip dun sa TV screen. Nagsisimula na naman yung katatakutan sa movie.

The Great Wall of KarinaWhere stories live. Discover now