Special Chapter

2.1K 73 22
                                    

Pampalubag loob mga mare. Nakita ko sa drafts ko, pagtiyagaan nyo nalang muna.




              ______________________




There are a lot of things that Giselle finds troublesome. Like ngayon, si Winter at ang mukha nitong parang tutang iniwan ng amo sa kalsada. Sinubukan nya ulit iwasan ang kaibigan na parang timang na naka-upo sa labas ng gate nila. Ngayon lang sya nagkaroon ng free day sa work which is pinagpapa salamat nya sa kung sino mang pasimuno ng Valentine's day na yan. Wala talaga syang balak na intindihin ngayon si Winter. Pero sobrang hirap ng gusto nyang gawin ngayong nakaharang si Winter sa gate nila at hawak-hawak ang legs nya.

Napabuntong hininga nalang sya at tinignan ang kaibigan.

"Anong drama mo?"

"Labas tayo Gi. Date rin tayo, dali!" parang batang sigaw ni Winter sa kanya.

"Hoy Winter wala akong oras para dyan sa kalokohan mo. Kung may LQ na naman kayo ni Rina labas ako dyan." masungit na sagot nya sa kaibigang nakahawak parin sa legs nya preventing her to move further.

"Eh! Dali na Giselle!" pilit parin nito sa kanya.

"Wala ba kayong date ng jowa mo? Valentine's day ngayon."

"Wala!...ay meron dapat kaso sabi ko sa kanya tinatamad ako...tapos ayon biglang si Ningning ang inaya nya."

Mabilis naman syang na alerto sa pangalang binanggit ng kaibigan.

"Si Ning? Ang isinama ni Rina?" tanong nito kay Winter na tumayo na rin sa wakas.

"Oo. Nagtampo kasi agad. Kaya Giselle labas din tayo." nakangusong sagot nito sa kanya.

"You mean hindi ka pumayag sa date nyo ni Rina kasi tinatamad ka tapos biglang si Ningning nalang sinama nya?" tumango lang naman sa tanong nya si Winter. "Deserve mo yan bruha ka."

"Kainis toh! Pumayag ka na kasi!"

"Oo na. Oo na, basta hindi ako ang gagastos ha."

Mabilis namang ngumiti sa kanya si Winter at niyakap pa sya.

"Magpapalit lang ako ng damit. Wag ka ng mag-back out ha!" sabi pa nito bago patakbong bumalik ng bahay nya.

Napailing nalang sya sa kaibigan. Siguradong malalagot sya sa pinsan kapag nalaman ang bagay na to. Pero bigla nalang kasi syang nagka-interes ding gumala ng marinig nya ang pangalan ng isang kaibigan.

San naman kaya ang dalawa pwedeng pumunta? isip-isip nya habang pumapasok ng bahay.





Masamang nakatitig lang sya kay Winter na kanina pa silip ng silip sa loob ng shop kung saan nila aksidenteng nakita si Karina at Ningning.

Boring.

Isip-isip ulit ni Giselle ng makita ang pinsan at kaibigan na tahimik lang na namimili ng mga damit sa loob ng cotton city.

Nagpasalamat naman sya ng tumalikod na si Winter at naglakad palayo ng pinagtataguan nilang tanim kanina.

"Ayan nagda-drama ka. Ikaw naman kasi inaya ka na kasing mag-date arte arte ka. Si Ningning ko tuloy ang nahatak ni Rina."

Nasamid agad sya sa hangin. Si Winter naman ay sobrang bilis ng paglingon sa kanya.

"Ko? Ningning ko?" tanong nito sa kanya.

Mabilis syang nag-iwas ng tingin.

"Ano?" kunwaring tanong nya.

Naguguluhan din sya.

The Great Wall of KarinaWhere stories live. Discover now