Kinikilig

2.5K 87 69
                                    


This real,

This is me.

Am I ready to face the possibility na nababakla na din ako?

No, no, no, no way!

Baka nadadala lang ako dahil kay bestie at Wintot.

Hindi talaga ito pwede. Lahat ng signs nakapaskil na. Sa mukha nya, sa katawan nya, sa paligid nya.

Danger.

Tama, isa syang danger zone na kailangan iwasan.

"Ning kung nandito ka? Paramdam ka naman!" pambabasag ni Ryujin sa pag-iisip ko.

"Anyare sayo?" tanong nya pa.

Hindi ako nagsalita at napabuntong hininga nalang.

Di ko inaakala na darating pala sa point na mamo-mroblema ang isang tulad kong maganda sa isa pang maganda.

Charot!

Tinignan ko yung oras sa maliit na clock na nakalagay sa ibabaw ng fridge.

Ba't nandyan yan?

Ito na nga, malapit na kaming umuwi. I survived a day na hindi ko sya natitignan at nakakasalamuha.

Hinahanda ko yung sarili ko ngayon sa pagtakbo. Kung sakaling i-approach nya man ako. Hindi ko talaga kaya na makaharap at maka-usap sya na hindi ako napapa-aaack!

Yung ano kasi...you know.

Alam nyo na yun!

"Hoy!" sigaw ni Ryujin sabay tapik ng malakas sa braso ko.

"Aray ha! May galet, may galet?!" inis na sabi ko.

"Gagalet? gagalet?" pang-gagaya nya.

Iniinis ako ng unggoy na to.

Umirap ako sa kanya.

"Ano ba nangyayari sayo ngayon? Kanina ka pa. Kung di ka tulala, di ka nagsasalita. What's the chizmiz?" tumaas baba pa yung dalawang kilay nya.

"Walang chismis. Alis!"

"Anong wala? Wala kang maitatago sa'kin Ningning. Naamoy ko ang baho ng sinisekreto mo."

Ang kulit din talaga ng unggoy na to. Wala akong tiwalang mag talk sa kanya. Kay Wintot nalang ako magku-kwento at least sa bruhang yun alam kong di ako mapapahamak.

"Wala nga. Wag mo nga akong inisin unggoy." sabi ko habang tinitiklop yung cute naming apron.

"Mas mukha kang unggoy uy!" sigaw nya. "Ganyanan ha? Nagse-secret na sa tropa."

"At kailan pa kita naging tropa?"  inirapan ko pa sya.

Nanlaki ang mga mata nya.

"Ikaw Ningning ha. Nagiging masamang kaibigan ka na. Ba't kasi wala rito si Mareng Winter."  sabi nya na katulad ko ay nilagay na rin sa ibabaw ng counter yung natiklop naming apron.

"Pwede na raw tayong umuwi."  anunsyo ni Chaewon mula sa labas.

Nagmadali naman akong lumabas. Nakita kong umangat ang tingin ng dalawa sa'kin at nagtatakang pinagmasdan lang ako habang nagmamadali akong naglakad patungo sa pinto.

The Great Wall of KarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon