Blonde girl

3K 111 115
                                    

Tinotoo nga ni Karina yung sinabi nyang pag supervise sa'kin.

Oo.

Sa'kin.

I can feel her...ano ba tawag don? Basta ramdam na ramdam ko yung kakaibang tingin nya mga teh!

Hindi ako maka focus. Feeling ko nasa matanglawin ako tapos si Karina si kuya Kim. Ay mali, feeling ko isa akong sisiw tapos si Karina yung agila.

At ito pa!

Nakakagulat talaga. Si ate Jisoo...si ate Jisoo..magka-kilala sila ni Karina. Friend pala ni ate Irene itong si ate Jisoo. At first, taray at first. Nung una nga nagulat pa si ate Jisoo ng makita nya si Karina sa loob nitong kainan nya. Kaya naman nag-usap sila ni Karina.

Pagbalik nila iba na yung ngiti sa'kin ni ate Jisoo. Tapos ito pa. Pinayagan nyang tumambay si Karina dito.

Kaya nga nandito ako ngayon sa counter. Ang plastic ng dating ng ngiti ko sa mga customer feeling ko kasi kapag ngumiti ako ng sobra matanggalan ako ng labi ni Karina.

Maya't maya yung pagtingin ko syempre kay jowa. Baka Kasi bored na sya. Naka-focus naman sya minsan sa laptop nya, mukhang gumagawa na naman ng mga emails. Minsan napapansin ko yung pagtingin sa kanya ng ibang customers hindi naman ako pwedeng basta nalang magdabog dito dahil lang may tumitingin sa jowa ko.

Hindi ba naisip ni Karina na mas ako yung nagmumukhang supervisor? The amount of tingin na nakukuha nya mga teh! Mapapasimangot ka nalang talaga. Hindi naman kasi sya kasya sa bulsa ko, so pano ko sya itatago?

Kinulbit naman ako ni Gi.

"Ba't nahaba ang nguso mo?" tanong nya.

"Eh kasi si Karina.."

Tumingin naman sya sa pwesto ni Karina.

"Oh anong problema kay pinsan?"

May pumasok na customer at pumunta sa lane ni Gi kaya hindi muna ako sumagot. Inantay kong matapos sya sa ginagawa nya.

"Wala namang problema kay Karina. Yung mga tumitingin sa kanya ang problema." sabi ko.

Humalakhak lang si bruha.

"Naaaliw talaga ako sa bakuran nyo ni pinsan." umiiling na sabi nya.

Umirap nalang ako at tinignan yung pinto. May papasok na naman.

Oh.

Si ate blonde kahapon. Tatlo na sila ngayon. Kasama nya parin ngayon yung friend nya kahapon tapos may bago silang kasama.

Tumigil muna sila malapit sa pinto. Parang may pinag-uusapan tapos bigla nalang nilang tinulak si ate blonde palapit sa lane ko.

"Parang gusto ko ng popcorn." dinig kong sabi ni Gi. Takang tinignan ko sya pero di ako inintindi ng bruha.

Juskoo po!

Nagulat ako ng nasa harapan ko na si ate blonde. Alanganing ngumiti sya sa'kin.

Awkward din yung pag ngiti ko.

"Hi welcome to Egg drop." bati ko.

Sabi kasi ni ate Jisoo wag na wag kakalimutan ang ganyan.

"Your order Mam?" tanong ko kasi hindi pa sya nagsasalita tapos di naman sya nakatingin sa menu board.

"Ikaw."

Napakurap-kurap naman ako.

Nabibingi ba ako?

Bumilog naman yung mata nya tapos parang nataranta.

"I-i mean..you, what can you recommend? Yung best seller nyo so far?"

The Great Wall of KarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon