Number

3.5K 116 112
                                    

Matapos ng nakakahiyang nangyari sa'min ni Karina hindi ko talaga magawang makatingin sa kanya ng di namumula.

Nakakahiya parin talaga.

Kinamusta kami ni Mama kahapon. Gustong gusto talaga ng amo nya si Mama. Hindi ako masyadong nag-aalala kay Mama kasi alam ko naman na maayos sya sa trabaho nya.

Tinanong nya lang naman kami ng kung ano-ano tapos nawindang talaga ako sa pinagsasabi nya kay Karina.

"Karina dyan ka nalang muna sa bahay. Oh, kaya naman dyan ka na talaga. Ibahay mo na yang si Winter dahil tinatamad na rin akong alagaan yan. Ikaw na mag-alaga."

"Mama!" sigaw ko. Talagang nilapit ko pa yung bibig ko sa speaker ng cellphone ko.

"Aba bata ka! Wag mo akong sigawan. Ayan yung sinasabi ko Karina, nako ikaw na bahala sa batang yan."

"Don't worry po.  Aalagaan ko po si Winter. Kayo po ingat po kayo dyan at sa work nyo po." magalang na sabi naman ni Karina na lumapit na sa'kin at niyakap ako mula sa likod.

"Uy, Winter wag mo masyadong pahirapan dyan si Karina ah. Malilintikan ka sa'kin. O sya sige na, goodluck rin pala bukas sa trabaho mo. Kung may oras ka daanan mo ako rito."

"Eh kung si Karina nalang dumaan sayo dyan Ma, mukha kasing sya pa yung anak nyo--aray." kinurot lang naman ako ni Karina.

"Sige, Karina ikaw nalang dumaan dito. End ko na at maglilinis pa ako."

Kainis talaga to si Mama. Pinalo ko naman yung kamay ni Karina na nakapulupot sa bewang ko. Tawa ng tawa parang tanga.

"I like that idea." biglang sabi nya.

"Ang alin?" takang tanong ko.

Hinalikan nya naman ang pisngi ko tapos bumaba yung baba nya sa balikat ko.

"Ibahay na raw kita. I like that."

Pinalo ko na talaga sya ng malakas. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Ibahay juskoo!

Pero pwede din.

Pinalo ko ng mahina ang pisngi ko. Kung ano-ano iniisip ko. Focus muna tayo dito sa work Winter.

First day namin. Hinatid kami ni Karina at sya rin daw susundo sa'min mamaya. Dumiretso sya sa condo nya pagkatapos nya kaming ihatid. Marami rin daw kasi syang emails na kailangan ayusin at ibigay kay ate Irene.

Naka-assign kami ni Gi sa counter samantalang sina Ryujin at Ning naman yung gumagawa ng mga orders.

Mabait si ate Jisoo may ari nitong food house. Sobrang welcoming nya para saming mga employee nya. Grabe ang ganda nya na nga tapos mabait pa.

Ito nga kami, kinakaya ang hamon ng napaka-raming customer. Nagbiro pa si ate Jisoo na tamang desisyon daw yung pag-hire nya sa'min. Lakas daw makahatak ng pagmumukha namin ng customers. Agad naman nagmaganda ang aking mga friends lalo na si Ning.

Pero mukhang mukha nga namin ang puhunan. Ang daming malalandi teh! Muntik na kaninang patulan ni Gi yung lalakeng ayaw umalis sa harap nya. Ayon tinarayan ng grabe ni Gi takot bigla si kuya.

Syempre di rin ako nakaligtas. Ginagawa ko nalang ay di ako nagsasalita kapag alam kong lalandiin lang din ako tapos tinitignan ko rin ng masama.

"Stress na agad beauty ko." reklamo ni Gi. "Buti sana kong mga worthy yung mga lumalandi--Good morning Mam! Welcome to Egg drop."

The Great Wall of KarinaWhere stories live. Discover now