I'm here

2.3K 93 113
                                    

TW: This content might include topics such as sexual abuse, violence, and so on.

______________________________




Tumayo ako mula sa upuan ko at bumalik nalang ulit ng kwarto. Hanggang ngayon di parin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ko kay Karina. Napa-isip tuloy ako kung tama ba ang ginawa ko.

Napahilamos ako ng mukha at napa-upo sa dulo ng kama.

Sobrang devastated ng mukha nya matapos kong sabihin ang mga salitang yun. Wala sa sariling nag-paalam din sya sa'kin matapos ang ilang minutong pananahimik namin. Ayoko sana syang paalisin kasi nag-aalala ako lalo na at mag-isa lang syang babyahe at di pa sya magaling. Pero bumaba kasi agad sya ng bahay tapos napa-upo nalang din ako sa sahig habang umiiyak.

Huminga ako ng malalim para mapigilan lang ulit ang pag-iyak.

Tumayo ako para sana kunin yung cellphone ko ng may bigla nalang kumatok sa pinto.

Sila Gi ba ulit to?

Nagtataka man ay lumapit parin ako sa pinto para buksan ito.

"Long time no see,"

Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko ng magsalita yung pinagbuksan ko ng pinto.

"Winter."

Yeonjun.



"Yeonjun.." umiiyak na ako.

Nahihirapan man ay pinilit kong iatras ang sarili ko mula sa kanya.

"Tsk..tsk, ano ba naman yang boyfriend mo? May sugat ka na nga nagawa ka pang iwan." sabi nya habang titig na titig sa dumudugong sugat ko sa kanang hita ko.

Napasinghap ako nung hawakan nya ang legs ko.

"Ikaw naman kasi, ba't kasi kayo tumakbo? Nakikipag-usap lang naman ako." nakangiting sabi nya. Mas lalo akong umiyak nung tumaas pa lalo ang kamay nya.

"Tulong!" naiiyak na sigaw ko habang pilit paring lumalayo sa kanya.

"Tinutulungan na nga kita, wag ka ng sumigaw." sabi nya habang may nakaka-lokong ngiti parin sa mukha.

Natatakot na talaga ako.

Nag-uusap lang naman kami ni Jake kanina sa bakanteng lote. Gusto ko lang naman malaman ang dahilan nya kung bakit hindi sya sumipot sa contest ng bigla nalang kaming lapitan ng grupo ni Yeonjun. Nasuntok sya ni Jake nung bigla nya nalang akong inakbayan habang nasa seryosong usapan kami. Nagkagulo na pagkatapos nun. Tumatakbo na kami ni Jake palayo sa kanila ng bigla nalang nasagi ng legs ko yung naka-usling bakal papuntang looban malapit na sa amin. Hindi man lang huminto si Jake at talagang iniwan ako.

"Tu—long!" ulit ko habang patuloy parin sa pag-iyak.





Nagising ako na sobrang sakit ng sikmura. Nagulat ako dahil hindi ko maigalaw ng maayos ang mga kamay ko. Pagtingin ko ay nakatali pala ito sa may dulong paa ng kama. Agad na inalala ko kung nangyari.

Si Yeonjun.

Nandito si Yeonjun.

"Kamusta?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin at nakita ko syang naka-upo sa harap ko habang naka-ngisi.

"Mas gumanda ka yata." sabi nya tapos ay hinaplos pa ang mukha ko. Agad na nanginig ang buong katawan ko sa ginawa nya.

"Y-yeonjun.." nangi-nginig na agad ang boses ko.

The Great Wall of KarinaWhere stories live. Discover now