Karina

2.3K 96 36
                                    


Pang ilang buntong hininga ko na kaya ito ngayong araw?

Tatlo?

Lima?

Parang pang sampu na.

Hindi ako sigurado. Nararamdaman ko lang talaga sya nitong mga nakaraang araw.

Parang may nag-iba kay Karina. Parang...di ko talaga ma-explain. Basta ramdam kong may nag-bago sa kanya.

Katulad kanina.

Dati kapag alam nyang maiiwan ako rito sa bahay unang-una na bilin nya ay "You should always locked the gate. I don't want others na basta basta ka nalang binibisita dito."  tapos "Always reply to my text. You know na madali akong mag-alala kapag di ka nagre-reply agad."

Mga ganyan.

Pero nitong mga nakaraang araw puro goodbye, take care, I'll come home early. Like, asan na yung dating Karina? Na pagbabantaan muna akong lalagyan ng barrier itong buong bahay kapag may bumisita sa'kin dito?

Asan?!

Sigh.

Oh, ayan English na yung pag-buntong hininga ko.

Kasalanan mo to Karina.

Inayos ko ang na aking buhok at tumingin ulit sa salamin. Mag-uusap kami ngayon ni ate Irene. Matagal nya na akong gustong maka-usap kaso ngayon lang talaga ako nagkaroon ng oras.

Okay vocalization muna tayo. Ayan na kasi tumatawag na sya.

Matapos kong masiguro na ako ready na ang aking mukha at boses priness ko agad yung answer button.

"Hi Winter." masayang bungad ni ate Irene sa screen ng cellphone ko.

"Hello po." nahihiyang bati ko.

Ang ganda ganda talaga ni ate Irene. Parang bagong gising lang nga sya eh pero ang ganda nya parin samantalang ako, naligo na't nag-ayos eh cute lang.

Naalala ko tuloy si Karina. Kahit na bagong gising si jowa ang ganda ganda nya parin.

"Masyado kang pinagkakait sa'kin ni Rina. She threatened me na kapag kina-usap kita ay hindi nya sisiputin sa meeting ang ilang investors namin." tumawa pa sya bago magpa-tuloy.

"That kid."

"So, pinapasakit ba ng kapatid ko ulo mo?" pabirong tanong nya.

Ngumiti ako sa kanya at umiling.

"Hindi naman po." sagot ko.

"You're too formal, Winter. Wag mo namang ipamukha sa'kin na matanda na ako." tapos mahinhing tumawa sya.

"Seriously Winter, you can tell me anything. Alam ko ang ugali ng kapatid ko." nag wink sya. "I can give you advice pano i-handle si Rina."

Napakamot naman ako sa aking batok. Nag-aalangan kasi akong sabihin yung iniisip ko nitong mga nakaraang araw.

"Masyado ka ba nyang pinagbabawalan?"

Nawala na ang focus ng mata ko sa cellphone ko.

"H-hindi naman po."

Sumandal si ate Irene sa likod ng upuan nya at bumuntong hininga.

"Winter alam ko kung gaano ka possessive sa pag-aari nya ang kapatid ko."

Napayuko ako.

"A-ano po kasi.."

Okay lang naman sigurong magsabi ako kay ate Irene?

"Minsan po kasi parang...parang sobra na po yung pagiging possessive nya."

The Great Wall of KarinaWhere stories live. Discover now