Chapter 49: Promise with who?

300 26 1
                                    

Laney's POV

Sabi ko nung bumalik ung ala ala ko diko muna ipapaalam kay Jaydee balak ko muna sanang sabihin kay Amy pero kase nasabi saken ni Coco, actually ka text ko siya habang kausap niya si Jaydee and natuwa ako nung sinabi niya saakin na un lang din hinihintay ni Jaydee ang makabalik ung ala ala ko kaya naisipan ko na ding umamin sakanya.

"I'm happy for you.." Sabi niya

Napangiti ako, sana nga hindi to maging dahilan para lumayo siya ulet saken.

"Okay lang sayo?" Napatingin ako kay Daryll na nag tanong sakanya

"Yes, sobrang okay lang" may tumulong luha mula sa mga mata niya kaya tumayo siya at niyakap ako. "I'm so.. sorry Laney" naiiyak na sabi niya

Tinatap ko ung likod niya "Okay lang un, bumalik na din naman ung memories ko eh un ung importante" ang saya ko ngayon si Amy nalang talaga ung kulang.

"S-sorry talaga" natawa ako

"Ano ka ba, okay nga lang un eh" sabi ko sakanya.

Kumalas siya sa pag kakayakap saken tyaka niya ako tinignan

"Alam na ba ni Amy?" Tanong niya saken pero umiling lang ako "Kailan mo sasabihin?" Tanong niya ulet

"Balak ko sana pag tumawag siya this month, every month naman siyang tumatawag diba?" Nag salubong ung kilay niya na pinag taka ko

"Baka next month kamo, tumawag palang siya this month diba?" Tanong niya, napaisip naman ako.

"Oo nga no?" Natatawang sabi ko "Ihahanda ko muna sarili ko diko kase alam anong sasabihin ko eh" sabi ko sakanya

"Aba dapat mong pakaisipin yan Lorelaine" natawa ako sa sinabi ni Ate Ruth

"Oo teh, sobra na siyang nasaktan e" sabi ko

"Kung alam mo lang paano siyang umiiyak gabi gabi" sabi ni Jaydee.

"Sobra nakong nakunsensya Jaydee wag ng sabihin, kailangan ko nalang isipin paano akong babawi sakanya pag balik niya dito" sabi ko sakanya

Hihintayin ko nalang is tumawag siya next month tapos sasabihin ko na sakanya na naalala ko na lahat tapos hihintayin kong umuwi siya dito.

Natapos ung araw na puro lang kami tawanan at asaran habang ung dalawa na kinulong ni Jaydee sa guestroom nila Coco ayun nag babardagulan paren sa loob ng kwarto, diko alam bakit di sila napapagod bakit di nalang kaya sila mag kaayos.

"Di paren ba sila okay?" Tanong ko kay Jaydee na nag hatid ng dinner nila

"Hindi pa eh" buti nalang di siya tinakasan nung dalawa.

"Ganda kase ni Jaydong eh, pinag aagawan ng dalawang chix" natatawang sabi ni Ate Ruth

"Wag mo namang kunin lahat Jaydee, maawa ka" gatong ni Daryll

Kahit iba iba na ung school namin ngayong collage eh sama sama parin kami tapos madalas na tambayan dito sa bahay nila Coco okaya kari Jaydee.

Minsan din dun kami kari ate Gabb pag wala ung parents niya.

Sabay sabay kaming napatakip ng tenga nung biglang kumulog ng malakas may ilan pa samin na agad na pumunta sa ilalim ng lamesa.

"AHHHHHHHH MAMA!!" sigaw ni Coco, kahit medyo kumabog ung salo ko sa kulog nag pipigil pako ng tawa sa sigaw niya.

"MYGHADDD!" rinig naming sigaw galing sa guest room kaya nag katinginan kami.

Pupunta na sana kami dun kaso biglang kumulog ulet, ang lakas na din ng ulan kase biglang bumagsak.

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now