Chapter 44: The Truth About Jaydee

255 18 1
                                    

Jaydee's POV

Nasa harap ko sila ngayon at handang makinig sakin.

"Ano bang nangyare?" Tanong ni Amy, dapat hindi ko na siya pinag aalala pa eh.

Nagagalit ako kay Laney pero kasalanan ko din naman ung nangyare sakanya hindi ko naman intensyon un. Hindi ko alam na makakalimutan niya si Amanda parang ako lang din ung nanakit sakanya.

"Jaydee" napatingin ako kay Coco "Ate.." Naiiyak siya habang nakatingin sa mga braso ko na may mga pasa at sugat ung iba nakuha ko dun sa lubid na tinatali saken pag pinapahirapan ako ng mga Gando.

"Bakit hindi ko napansin ang mga to?" Sabi ni ate Ruth

"Naka face mask kase siya at long sleeves" sabi ni Frances. Naka tshirt lang kase ako ngayon, pinag madali ako nila Madie kaya eto dapat naka long sleeves ako.

"S-sorry" nauutal ako, hindi ko kayang tumingin sakanila "A-ayoko kayong idamay" tinignan ko sila.

"Ano ba kami sayo?!" Nagulat ako sa naging Tono ni Amanda "Kaibigan mo kami Jaydee! Sa tingin mo matutuwa kami na makita na nangyayare yan sayo!" Kita ko ung galit sa mga mata niya

"Huminahon ka lang" sabi ni Gabb sakanya

"P-paano?! Ung taong mahal ko hindi ako kilala tapos ganyan pa mangyayare sayo?!" Napahilamos siya sa mukha niya "Hindi paba sapat ung sakit na nararamdaman ko ngayon? Lahat nalang ng mahahalagang tao saken" naiiyak na siya kaya nilapitan siya ni Coco

"Ang mga Gando" panimula ko, ayokong makitang umiiyak ulet si Amy kaya yumuko ako

"Sila Thea?" Takang tanong ng kung sino man

"Lahat ng gusto ng nag iisa nilang anak sinusunod nila" tuloy ko "Mula nung iniwan ni Laney si Thea, kinausap niya ung mga magulang niya" tumingala ako "G-gusto nilang saktan si Amy"

"Ano?!" Galit na sabi ni Coco "I'll call Dad" sabi niya

"Wag!" Pigil ko sakanya, di pwedeng umabot sakanya to

"Anong wag?! Alam kong alam mo na once na ginalaw ka ng mga Gando si Dad ang makakaharap nila!" Seryoso siya

"C-Coco.. Please w-wag" ayokong malaman nila, ayokong humingi ng tulong kay Dad.

"Sandali nga" napatingin kami Gabb "Pamilya nyo?" Napasalo ako sa noo ko

"Oppss, I mean pamilya niya" palusot ni Coco

"Sabihin mo na" sabi ni Madie kaya napatingin ako sakanya "Hindi niyo naman pwedeng itago ng matagal e"

"Teka siya yon?" Nagulat ako nung nasa tabi na ni Coco si Laney "Anong buong pangalan mo?" Tanong niya kay Coco

"Coleen Trinidad" si Madie na ung sumagot, mukha kaseng walang balak mag salita si Coco

"Oo, ikaw nga yun" natutuwang sabi ni Laney

"Kilala mo siya?" Tanong ni Gabb

"Hindi" natatawang sabi niya "Kilala ko lang siya sa pangalan lagi kase siyang kinukwento ni Jaydee saakin nun"

"Anong meron sainyong dalawa?" Napalunok ako nung tinignan ako ng seryoso ni Gabb

"Kapatid ko siya kay Dad" sagot ni Coco "Step-father niya si Dad"

"Si Doc Garcia?" Tanong naman ni ate Ruth

Mukhang di na nga namin matatago to.

"Hindi un ung problema dito" napatingin kami kay Amanda "Anong ginawa sayo ng mga Gando?" Napaiwas ako ng tingin sakanya.

Parang hindi si Amy ung nasa harap ko ngayon parang isang galit na tigre na handang lumapa ng tao. Iba ung aura nya para nababalutan siya ng galit.

"Nag simula to.. Nung hiniwalayan ni Laney si Thea" huminga ako ng malalim "Narinig ko silang nag uusap nung kaibigan niya kaya kinompronta ko siya"

"Anong pinag uusapan nila?" Napatingin ako kay Amy

"Galit na galit siya sayo.. Narinig ko din na kinausap niya ung mga magulang niya para ilayo ka kay Laney" napatingin ako kay Laney, wala pala siyang alam dito.

Tumingin ako kay Cole at alam naman niya ung ibigsabihin ng mga tingin na un.

"Bat ka ba kase nakikichissmiss dito, mahiga ka na nga muna dun" sabi ni Cole kay Laney, agad namang sumama si Laney kay Cole.

Tinignan ko si Amanda na halatang nalungkot sa nakita

"Nung kinompronta ko siya, tinanong ko kung anong balak nilang gawin sayo" naalala ko nanaman ung mga ngisi sa mukha niya "Gusto ka niyang ipagahasa" nayuko ako, naalala ko nanaman ung nga sakit na ginawa nila saken. Halos hindi ko na nga magalaw ung katawan ko pinilit ko lang ngayon kase nag aalala ako kay Laney at Amy.

"A-ano?"

"Pumunta ako sa bahay nila at pinilit ung tatay niya na wag kang saktan.. Sinabi ko din na ako ung gagawa ng paraan para mailayo ka kay Laney pero sa mga araw na hindi ko magawang ipaglayo kayo hinuhuli nila ako at.." Tumingin ako sakanila "T-tinatali nila ako at binubugbog" hindi ko na mapigilang hindi umiyak "N-natatakot a..ko na b-baka may ga-gawin sila kay Amy pag nag salita ako" pinunas ko ang mga luha ko.

"I can't do anything kase ayaw niya, ngayon na nagka amnesia si Laney mas lalong nagalit sila Tito sakanya" napansin ata niya na nahihirapan nakong mag salita

"Un ba ung dahilan ng paguusap nyo ni Thea?" Gulat na napatingin ako kay Coco "Ung sinabi mo sakanya na ikaw na bahala" panong alam niya un

"Siya lang ung may alam ng weakness ni Laney pero she didn't know na ganyan ung mangyayare kay Laney" si Frances na ung nag salita

"B-bakit?" Napatingin ako kay Amy "P-pwede ka naming tu-tulungan Jaydee.. KAYA BAKITT!!"

"N-nata-"

"SAAN! NATATAKOT KA SAAN!! TANGINA NAMAN HINDI MO MAN LANG INISIP UNG PWEDENG MANGYARE SAKANYA!!" susugurin niya sana ako pero pinigilan siya nila Coco

"Huminahon ka nga"

"PANO AKONG HIHINAHON HAA?! PAANO!!" Gusto ko humingi ng tawag pero parang malabo na mapatawad niya ako ngayon.

"Tama na" nagulat ako nung si Laney ung umawat sakanya

"BITAWAN MO-" Nagulat siya nung mapansing si Laney ung nakahawak sa balikat niya

"Siguro napakaimportanteng tao ko sayo pero hindi kita maalala" tumingin siya kay Amy "Wag ka ng magalit kay Jaydee mukhang prinotektahan ka lang naman niya e" nakangiting sabi niya "Hindi ko pag sisisihan ung ginawa ni Jaydee saakin kase kung mahalaga ka saakin at sakanya ganon din ung gagawin ko" sabi niya tyaka niya hinila si Amy paupo sa upuan niya, sinundan namin sila ng tingin "Dito ka" tinap niya ung tabi niya "Kwentuhan moko"















______________

To be Continue...

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now