Chapter 38: Hindi Banta

283 23 2
                                    

Laney's POV

"Oyy kayo ahh, anong ginawa nyo?" Tanong ni Coco nung kababa namin ni Amy.

Naalala ko nanaman ung kanina sa kwarto, bat ko ba nagawa un 'shit' pag kase si Amy na kasama ko todong pag pipigil ginagawa ko.

Pero kanina kung dilang kumatok si mama baka kung ano ng magawa ko kay Amy, diko na inisip na nandito pa ung mga kaibigan namin.

"Oh kumain na kayo" sabi ni mama, nakahanda na pala kanina pa kase kami nag hihintay.

Sinabihan ko naman sila mama kagabi na mag handa eh kase iuuwi ko napapangasawa ko pero ang nangyare di nila agad niluto kase daw di nila alam oras ng uwi namin baka daw lumamig kaya ayun kauwi dito gutom lahat.

"So kelan nga ung kasal?" Tanong ulet ni Coco nakakailang tanong nato kahit kumakain tanong paren ng tanong eh.

"Malapit na" sabi ko, pansin ko na kanina pa tahimik si Amy.. Di normal to.

"Tahimik ng isa dyan ah, may nangyare no?" Asar ni Coco kay Amy, mag katabi lang kase sila

"A-ahh.. W-wala no, ano ba kayo" natatawang sabi ni Amy.

"Amy" napatingin siya saken "Pakilala kita kay mama" sabi ko

"Kilala nako ni Mama mo eh" tumingin siya ulet sa harap niya

"I mean, bilang girlfriend ko" sabi ko kaya napatingin siya ulet saken

"Nahihiya akoo, sa ibang araw nalang" sabi niya, natawa ako di ako sanay na ganto katahimik to

"Ayaw mong ngayon na? May hiya kapa pala" napangisi ako

"Hayy nako Lorelaine, wag mong simulan ha.." Sabi niya tyaka siya kumain

"Ate Lang, buti pala pumayag kang tumugtog ngayon?" Tanong ni Coco kaya napatingin ako kay Ate Lara, siya ung nag guitara kanina.

"Ate, dipa pala ako nag thankyou hehehe. Thankyouu kanina" sabi ko "Sainyo din" sabi ko sakanila

"Wala un" sabi ni ate Lang

"Minsan lang yan tyaka nakakaumay na ung panay kayong nag sasakitan" sabi ni Ate Gabb kaya natawa ako

"Sana naman okay na kayo no?" Tanong ni Frances "Kayo na ba?" Biglang tanong niya

"Ano bang tanong yan Frances, malamang" natatawang sabi ni Ate Ruth

"She didn't answer the question eh" sabi niya

"Oo nga, so kayo na pala?" Tanong ni Coco

"Yes" nagulat ako nung biglng sumagot si Amy "Kaya ate Lang.. Akin na to ha?" Natatawang sabi niya

"Oh bat nasali si Lara?" Tanong ni Ate Ruth

"Ikaw ung gusto neto eh, hindi naman si Laney" sabi ni Ate Gabb habang kumakain "Ayy oppss, sorry" ngumiti siya then nag peace sign kay Lara

"Okay lang" ngumiti lang si Ate Lara

"Amanda babaero" sabi bigla ni Coco

"Okay lang, sakanya parin naman uwi ko eh" sabi niya tyaka siya sumandal saken

"Apaka.. "

"Joke lang eh, eto masyadong highblood" natatawang sabi niya

Inirapan ko siya tyaka kumain, nag kukwentuhan lang sila habang ako busy na kumakain tapos ung katabi ko napakalikot niya.

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now