Chapter 3: Rehearsal

646 30 1
                                    

Laney's POV

Nagising ako sa pag yugyog ni Ate saakin.

"Bebang anong petsa na, tumayo ka na dyan!" Rinig ko pangsabi ni Ate napamulat ako sakanya at umunat.

"Ahh" napahawak ako sa ulo ko sobrang sakit.

"Oh yan inom inom ka pa kase, pwede naman kaseng umamin sakanya eh" walang pasensyang sabi ni Ate "oh" binigyan ako ni ate ng baso na may laman na kulay brown.

Baka kape to pero bakit malamig, kinuha ko nalang tyaka ko ininom.

Puta ang panget ng lasa iluluwa ko sana kaso tinulak ni ate ung baso kaya wala akong nagawa kung hindi ubusin un.

"Kadiri ate, ano yon?" Inis na sabi ko

"Coke tyaka itlog HAHAHAHA" oh tawang tawa ung tita nyo

"Kadiri" sabi ko "Anong oras na ba?" Tanong ko at napatingin ako sa orasan ko "Shitt oras na" sabi ko at nag madaling nag asikaso.

Nacancel ung Dance Rehearsal namin kahapon kaya maaga kaming pinapapasok ngayon kase ngayon kami mag rerehearse para sa sasayawin mamaya lilinisin nalang din naman namin eh.

7:30 na nung naka dating ako sa court, dun kase kami nag papractice.

"Late ka nanaman Sañosa" sita sakin ni Coach

"Sorry Coach, medyo ano po ka─"

"May hang over pa po yan" sumbong ni Jaydee

"Siraulo ka ah"

Sasagot pa sana siya kaso pinigilan siya ni Coach

"Oh tama na yan, mag stretching na kayo" sabj niya at nag kanya kanya na kami way ng pag stretching

Nilibot ng mata ko ung court, may hinahanap ung mata ko pero diko siya mahanap.

Hanggang sa mahagip ko sa gilid ng mata ko ung paparating ung kanina ko pa hinahanap, humarap ako sakanya pero nilagpasan niya lang ako.

Sinundan ko siya ng tingin pero hindi niya talaga ako pinapansin, ano bang ginawa ko sakanya? Siya tong may payakap yakap kay Jaydee eh.

Hindi ko nlang siya pinansin at nag stretch nalang ako mag isa sa sulok.

"Tulungan na kita" sabi ni Ate Gabb nung mapansin niya atang nahihirapan akong mag isa.

Si Amy kase talaga kasama kong mag Stretch pero di niya ako pinapansin.

"Okay that's enough, pumwesto na kayo" pumwesto na kami at nasa center si Ate Gabb "Amanda at Laney kayo ung mag cecenter sa second part" napanganga ako sa sinabi niya.

Kaming dalawa naman kase talaga ni Amy ung nakakaalam sa second part pero alam ko tinuro un kay Ate Gabb at Coco.

"Dipo ba kay Ate Gabb yun at Coco?" Takang tanong ko at napatingin ako kay Amy pero diniya ako tinignan o sumulyap man lang.

"Kayo nalang, wala na rin tayong sapat na oras para ipractice pa nila yun" sagot ni Coach kaya wala kaming choice kung di sumunod nalang "Okay na? Pwesto na kayo"

Our Promise (LAMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon