Chapter 6: Promises

540 26 3
                                    

Laney's POV

Napansin ko na tahimik lang si Amy simula nung nakasakay na kami, isang tanong isang sagot lang ung pinag uusapan namin. Palaging ang ikli ng sagot nya saken para nakong tanga na tanong ng tanong sakanya.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ko ulet

"Ulit ulit ka naman par e, okay nga lang" sabi niya

Medyo humaba ah, nainis ata saken hehe

"Amy" tawag ko sakanya

"Ano nanaman ba?" Inis na sabi niya

"Lumagpas na tayo" sabi ko sakanya

Bigla siyang nataranta at timingin sa labas

"Manong pabalik po este para po" sabi niya at naunang bumaba saken

Kababa namin tawa lang ako ng tawa

"Bakit dika pumara?" Ang sama na ng tingin niya saakin

"Dimo kase ako pinapansin, parang wala ka sa sarili mo.. May nangyare ba?" Alalang tanong ko

"Wala" yan nanaman po siya

"Yan ba ung wala?" Taas kilay na tanong ko

"Promise me na di moko iiwan" napahinto ako sa sinabi niya, nakatingin siya saken ngayon

"Ano bang pinag sasabi mo?" Natatawang tanong ko at nag simula ng maglakad, tatlong kanto pa kase ung layo ng bahay nila.

"Laney!" Tawag nya saken pero diko siya pinansin "Laney naman eh" maktol niya pero di ako tumigil

Nag lakad lang ako, ramdam ko naman na nakasunod siya kaya di ako tumigil pero nagulat ako nung may pares ng kamay na pumalupot sa bewang ko kaya napatigil ako sa pag lalakad.

"Promise me na kahit anong mangyare dika mawawala saken" sabi niya

"Promise" un lang ung nasabi ko kase nagulat ako sa ginawa niya

"Dimoko iiwan?" Tinatanggal ko ung pag kakayakap niya pero hinigpitan niya pa "Sagot" batas to ah.

"Hindi kita iiwan kahit anong mangyare" sabi ko at humarap sakanya "Mag kaibigan tayo kahit na anong mangyare" nakangiting sabi ko at kiniss siya sa noo.

Alam ko at alam ng puso ko na ayaw kong hanggang kaibigan lang pero kung dika pwedeng maging akin tatanggapin ko na hanggang mag kaibigan lang tayo.

"Kaibigan?" Patanong na sabi niya

Tumingin ako sa mga mata niya bakas ung lungkot kaya yinakap ko siya ng mahigpit.

"Asawa moko eh" kumalas ako sa pag kakayakap sakanya dahil sa sinabi niya "Korni mo bhiee" natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Siraulo kaa, nangtitrip ka lang pala kung ano ano pang pinag sasabi mo" sabi ko at iniwan ko siya

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now