Chapter 20: Ikaw Dapat

318 24 9
                                    

Laney's POV

Ilang araw kong di masyadong nakausap si Amy kasi sobrang busy pati na rin si Thea mukhang tinigilan na niya ako. Medyo naka luwag luwag na din kami sa sched namin kase end na ng 1st sem kaya wala na masyadong pinapagawa, sembreak nga namin ng isang linggo bali parang last day namin ngayon.

"Laney" napatingin ako sa tumawag saken, nandito kase kami sa Canteen e.

"Oh?" Tanong ko sakanya

"Hmm walang pasok bukas diba?" Oo nga pala sabado bukas

"Oh ano naman?" Tanong ko sakanya

"Hmm alam ko kase medyo nag tatampo ka saken e" buti alam mo Amanda "Sama ka saken bukas" sabi niya

"Saan naman?" Tanong ko

"Sa Pampanga" napatingin ako sa mga kasama namin na nakatingin sila ngayon may Amy.

"Kasama ba sila?" Tanong ko, sana hindi gusto kong masolo si Amy

"Sakanila ka talaga sasabay e, mauuna na akong pupunta dun para linisin ung bahay" kamot ulong sabi niya

"Kala ko ikaw kasabay ko" malungkot na sabi ko "sama na kaya ako sayo ngayon?" Tanong ko pero umiling lang siya

"Di pwede, may aasikasuhin pa kase ako dun e" sabi niya "Kaya nga mag half day ako ngayon para di ako gabihin" sabi niya at nilagay niya ung kamay niya sa balikat ko.

"Tanga mo pre" napatingin ako kay Jaydee kaya takang napatingin ako kay Amy naka nakangiti lang siya. Bigla niyang pinisil ung balikat ko.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya, tumango lang siya.

"Una nako ah, ingat kayo bukas" sabi niya at kiniss nya ko sa pisngi "loveyouu" bulong niya saken at umalis na.

"Loveyoutoo" pabulong nalang un kase nakalayo na siya, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalayo siya.

Bakit parang may mali, parang dapat hindi ako pumunta dun.

Hindi ko na nakita si Amy hanggang sa natapos ung klase namin hindi ko na rin siya nakausap o natext man lang.

Umay na umay tuloy ako hanggang sa nauwi ako ng bahay, diko na pinatulog si Ate ruth tyaka Jaydee kumuha lang sila ng damit nila para sa pag stay namin sa Pampanga alam ko kase isang linggo din kami dun.

Kauwi ko sa bahay nag tataka ako na wala sila mama ako lang mag isa nung kauwi ko.

May nakita akong note sa may pinto ng kwarto ko.

"May pinuntahan lang kami, may pera kaming iniwan sa kwarto mo bumili ka nalang ng makakain mo uuwi din kami agad bukas Ingat ka bukas Iloveyouuu"

-Ate

Yan ung nakalagay sa note, nung kapasok ko sa bahay agad ko namang nakita ung perang iniwan nila, ung 3k para sa pagkain ko then may 10k silang iniwan para sa pag sama ko kay Amy sa Pampanga, mukhang pinag paalam na niya ako.

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now