Chapter 21: Shot, Puno!

337 25 1
                                    

Amy's POV

Akala ko narinig niya ako, hindi pala pero kung narinig man nya baka isipin niya lang na pinagttripan ko siya, ni dipanga ako umaamin sakanya e tapos itatanong ko agad na 'will you be my Girlfriend? ' korni ko sa part na un, namamag-asa ako na saken siya sasagot hindi kay Thea.

Pero ang sakit nung makita ko un, kaya nung kasagot niya lumabas na ako para mag pahangin. Diko expect na ganto pala kasaket na makita siya sa iba.

"Oh mandeng, atsu ka pala keni"
(Oh mandeng, nandito ka pala)

Napatingin ako kay lola na lumapit saaken kaya nag mano ako

"Nanung gagawan mu keni? Ninung kayabe mu?"
(Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?)

"Kayabe kula pu dila mama"
(Kasama ko po sila mama)

Nakangiting sabi ko kay lola tyaka ako umiwas ng tingin, pinipigilan ko kaseng wag maiyak sa harap ni lola.

"Umiiyak ka ba?" Biglang dumating si kuya

"Huh? H-hindi ako ah"

"Duda ako" sabi niya at nag mano siya kay Lola

"Hindi nga" sabi ko sakanya

"Mangaga ka deng?" Napatingin ako kay lola
(Umiiyak ka deng?)

"Hindi po la" sabi ko

"Sya maiwan ko na muna kayo" paalam ni lola, alam naman ni lola na nahihirapan akong mag kapampangan e tapos kakausapin niya ko ng ganon.

"Dikapa kase umamin, yan tuloy naunahan ka" sabi ni kuya tyaka niya ako niyakap "Iyak mo na, may mga bisita kapa dipwedeng umiiyak ka dun" sabi niya

Wala nakong nagawa kahit nagulat ako sa ginawa niya, umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa gumaan ung pakiramdam ko.

"Okay ka na?" Tanong niya

"Medyo hehehe, thankyou kuya ah" sabi ko

"Mahirap isarili ung sakit kaya minsan kailangan mo ng masasandalan, nandito lang ako lagi para sayo" napangiti ako sa sinabi ni kuya

"Balik na muna ako dun kuya" sabi ko at tumango lang siya bilang sagot.

"Oh Amanda, san ka galing?" Napatingin ako kay Coco saktong pag pasok ko.

"Amy" napatingin ako kay Laney na kasama si Jaydee na nasa harap ko na pala tyaka ko binalik kay Coco ung tingin ko

"May pinuntahan lang" sabi ko at ngumiti

"Amy" napatingin ulet ako kay Laney "May sasabihin ako" sabi niya

"Alam ko na and I'm happy for you" nakangiting sabi ko at nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ako sa braso kaya napatingin ako sakanya.

Our Promise (LAMY)Where stories live. Discover now