Chapter 5: Paano na?

574 32 3
                                    

Amy's POV

Saktong natapos akong kumanta ay sinalubong ako nila Jaydee sa back stage.

"Walang palya, ang galing talaga" puri ni Coco

"Dapat si Ate Gabb nalang eh" kunwari pakong naiinis

"Abaa, ang galing mo nga e" nakangiting sabi ni Ate Gabb, crush ko to eh kahit gusto nya ung taong mahal ko.

Dinaman sa pinangungunahan ko pero kase nakikita ko na sobra sobra ung pag aalala ni Ate Gabb kay Laney, kaya dinyo naman ako masisisi kung isipin ko na may gusto siya sa Future Asawa ko.

"Wushuu, hiya kapa te eh magaling kapa saken.. Diba Coco?" Sabay sabay kaming napatingin kay Coco

"Ahh O-oo" natawa ako sa sagot nya, nauutal amp

"Asan pala si Laney?" Tanong ko kase si Ate Ruth, Ate Gabb, Jaydee, Coco at Daryll lang ung andito.

"Andun ata sa labas, ayaw nyang makopag siksikan kasi lalong sumakit ung paa niya" sabi ni Ate Ruth

"Par" napatingin ako sa tumawag saken

"Oh pre ikaw pala" sabi ko

"May tatanong sana ako, kung okay lang?" Sabay tingin niya sa mga kasama namin.

"Hintayin ka na din namin dun" sabi ni Ate Gabb

"Osige te" sabay sabay na silang nag paalam

Humarap ako sa taong tumawag saken kanina

"Oh ano pala yun?" Tanong ko

"Ung ano kase par" kailan pa natutong mahiya to

"Ano?"

"Ung ano" pinag ttripan ata ako neto e

"Nakuuu Thea kung wala kang sasabihin mauna nako ah, itulog mo yan" natatawang sabi ko

"Amy saglet lang" pigil niya saken

"Oh ano?"

"Pwede mokong ipakilala dun kay Laney?" Nahihiyang sabi niya

Pero tama ba ung narinig ko? Kay Laney, mukhang dumagdag pa mga karibal ko sakanya ah.

"Taken na yun e" pag papalusot ko

"Nakikita ko mga tweets nya e, single siya" stalker pala to "Sige na, ilakad mo nako sakanya"

"Bakit di nalang ikaw?" Kunot noong napatingin siya saaken

"Huh anong ako?" Takang tanong niya

"Ikaw mag isa mong mag pakilala sakanya" natatawang sabi ko

"Bilis na kase Amy!" Pag pupumilit niya pero diko siya pinansin at dumiretso na sa labas

Our Promise (LAMY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon