Chapter 47

495 6 3
                                    

HE OPEN THE door for me, looking straight at my eyes with a pitiful look on his face as he points out the envelope I am holding.

Pilit siyang lumunok nang ilang beses at papikit-pikit siyang nagbaba ng tingin. “Wala na talaga?”

Matipid akong tumango at dahan-dahang inilahad sa kaniya ang hawak ko. Tumagal nang ilang minuto ang kamay ko sa ginawa niyang pagtitig lang. Parang nagdadalawang-isip pa siya kung kukunin ba niya o hindi. Tumikhim ako kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang kunin habang nagkakamot ng leeg. 

“You'll be okay just like what I've become.”

Tiningnan lang niya ako at gumihit iyong sobrang tipid niyang ngiti sa labi.

Buntonghiningang siyang pumihit patalikod sa akin para lapitan ang sofa at maupo. Binuksan niya ang envelope, inilabas ang papel nang sa ganoon ay mabasa at mapirmahan. 

Nakita ko pa ang pagkakusot ng papel sa mahigpit niyang paghawak. Kulang na lang ay malukot iyon at ihagis niya.

Tumitig siya sa papel at nagsalita, “Marrying you was the best moment in my life even though I am too late to realize that I need you the most.”

Ngumiti ako sa narinig. That's the sweetest farewell for the both of us. Hindi rin pala niya pinagsisisihang gaya ko. 

Ibinaba niya ang papel sabay ngiti nang malawak. Sampung segundo lang ang itinagal niyon noong bilangin ko sa isip ko dahil agad naglaho.

Pumatong ang siko niya sa kaniyang magkabilang kandungan at ipinagsalikop ang palad. Nang magtama ang mga mata namin ay sobrang seryoso at lungkot. 

“I'm sorry for causing you pain. . . and I treasure your love. For me. . . your love is the best experience I've ever had, and having Rosette is the greatest gift you've ever given me. Thank you. . . for everything,” sabi niya. Ang pagkahawak niya sa sariling mga kamay ay mas dumiin. “I hope you are happy and fulfilled with the man you choose to love for the rest of your life today and the day after that.” dagdag niyang hindi nagsayang ng segundo para ilihis sa ibang direksyon ang paningin.

“And for me. . .” Hangin ang lumabas sa kaniyang bibig. Mahina pang dumaloy sa pandinig ko ang pagtawa niya nang mapait at may kasamang kalungkutan. “Hahanapin na lang kita in next life at hindi ko na gagawin ang ginawa ko. In future life, I swear to cherish you more than my life.”

Tinawid ko ang distansya namin. Dumapo ang kamay ko sa kaniyang likod at hinagod-hagod para sabihing mawawala rin ang sakit, lungkot at panghihinayang na nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Time will come to heal the wound we've caused to each other. 

“Thank you, Aziel. I pray for your genuine happiness too. Alam kong makakahanap ka rin ng magpapasaya sa 'yo. I'll always here for you as a friend,” sabi ko bilang pagpapagaan sa kaniyang kalooban at pagdamay sa kalungkutang nararamdaman niya.

Nahuli ko ang pagtango-tango niya sa pag-alis ko ng kamay sa kaniyang likod.

Tumingala ito sa akin nang namumungay ang mga mata. Ngumiti akong iniunat ang mga braso ko sabay sabing, “Last hug before we end our love story?”

Panay ang pagtango niyang napasinghap. “Sure,” pagpayag niya at tumayo para salubungin ang nakaunat kong braso.

Niyakap niya ako na parang iyon na ang pinakahuling sandali ng hininga namin dahil sa sobrang higpit, halos malagutan na ako nang hininga sa ginawa niya, pero imbes na suwayin siya ay hinayaan ko lang mayupi ako na parang lata. Pagkaraan nang ilang minuto unti-unting lumuwag ang yakap niya at paghikbi ang kumiliti sa tainga ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko, samantala, nag-iinit din naman ang sulok ng mga mata ko. 

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now