Chapter 24

498 12 0
                                    

DUMATING NA ang oras at nakaupo sa sahig, pinapakinggan ang boses nila galing sa sala pero napakatahimik nilang dalawa. Kumunot ang noo kong hinawakan ang door knob para humugot ng lakas sa pagtayo nang matuwid.

Dahan-dahan kong nilakihan ang siwang ng pinto para silipin sila. Namataan ko ang likod nilang dalawa, parehas na nakatanaw sa bintanang itinali pa ang kurtina para makita kung sino ang lalapit sa gate, kahit may doorbell naman.

“What time punta si Dad dito, tita?”

Isinara ko nang kaunti ang pinto noong lumingon si Rosette kay ate na matuwid ang pagkakaupo. Nasa tabi niya ang canvas bag niyang nakabihis na rin siya, handa ng umalis para magtrabaho sana, kaso inabala ko pa siya para harapin si Aziel.

“On the way na raw siya, Rose.”

“Hindi ka pupunta sa work mo, tita? Ten na.” Itinuro ni Rosette ang orasan sa dingding na nasa gilid niya.

Hinawakan ni ate ang buhok ni Rosette. “Hintayin ko muna ang Dad mo bago ako umalis para mag-work,” sagot ni ate.

“Okay, tita. Uupo muna ako rito para samahan ka maghintay.”

Hindi nag-iwan ng space si Rosette nang tumabi siya lalo at isinandal ang ulo sa braso ni ate.

“Gusto mo bang talian ko ang buhok mo?”

Umalis sa pagkakasandal si Rosette at tiningnan si ate nang tila may namamangha ekspresyon at sinabayan pa niya ito nang pagtango.

Tumalikod siya kay ate at iniipon niya ang lahat ng buhok sa likod. “Tita, alam mo gawin iyong parang sa ayos ng hair ni mommy na may ribbon,” sabi niyang nagtaas-taas pa ng hibla ng buhok.

Kumuha si ate ng kapirasong buhok. “Hindi, e. Siya ang gumawa niyon sa buhok niya.”

Hinati niya sa tatlo ang buhok ni Rosette. “Braids na lang, bagay mo rin iyon para kapag inalis mo mamayang gabi kukulot iyong buhok mo.”

Tumango siya bilang pagpayag. Pinagmasdan ko lamang silang dalawang tahimik. Itinaas-baba ni Rosette ang kaniyang paa, sinusundan pa ng kamay sabay tawa nang mahina kapag natatamaan ni ate ang leeg niya sa bawat kuha nito ng buhok niya.

Nakangiti lang akong habang wala silang kaalam-alam na nakasilip ako. Buong akala nila ay mahimbing ang pagtulog ko. Maya-maya ay dumako ang mata ko sa labas nang basagin ng tunog ng doorbell ang katahamikan.

Eksaktong natapos na ni ate ang pag-ipit kay Rosette kaya tumayo siyang tinungo ang pinto.

“Tita, si Dad na ba iyan?” Sumunod si Rosette sa likuran niya.

Nag-iwan ako nang napakaliit na butas sa pinto. Tama lang para makasilip pa rin ang isang mata ko. Lumipat ako sa kaliwa para itago ang katawan ko sa pinto at makasilip nang maayos.

Tumalon-talon bigla si Rosette, umaalog-alog ang buhok niyang nakatali. “Dad, you're here!”

Nahuli ko ang paghawak-kamay nilang dalawa. Kagagaling lang yata niya sa trabaho dahil hindi pa niya inaalis ang blazer niya, maging ang neck tie niya at may dala pa siyang maletang maliit na naiwan sa doorway. Masayang hinila ni Rosette ang kamay ni Aziel patungo sa sala. Lumunok akong naglihis sandali ng mga mata nang mapunta ang direksyon ng paningin niya sa pintong pinagtataguan ko.

“Mommy, Dad is here!”

Muli akong bumalik sa pagsilip noong maramdaman kong tila wala na ang mata niya sa kinaroroonan ko. I couldn't shut the door. Makakahalata sila dahil wala namang pumapasok na hangin sa kuwarto sapagkat nakasara ang mga bintana.

“I miss you!” malambing na sambit ni Rosette, yumakap siya sa baywang ng Dad niya.

Nakatayo naman sa kaliwa ni Aziel si ate, nakangiti siyang nakatingin sa mag-ama.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now