Chapter 42

394 4 0
                                    

SHE'S FIXING her white socks while holding her phone on her other hand. Inilapag niya maya-maya sa sofa kaya ceiling ang buong nakikita ko sa screen.

"Ano ng balita sa divorce ninyo? Umusad na ba?"  Naulinigan ang pagbigat ng hanging ibinuga niya.

"Wala pa akong balita. Tatawagan daw ako agad ni Atty. Daez," sagot kong ngumiti sabay kagat sa kanina ko pang hawak na tirang biscuit ni Rosette.

Maaga siyang ipinasundo ni Aziel sa amin at didiretso muna ito kay Tita Vivian. Nami-miss na rin daw niya itong kasama kaya doon muna si Rosette dahil hapon pa naman ang labas nilang mag-ama.

Nakapagtataka lang dahil alam kong maraming trabaho si Aziel, wala talagang oras ang isang businessman na humahawak pa ng buong kompanya. Gabi lang siya nagkakaroon ng oras simula noong naging bagong kasal kami.

Mukhang pinagpla-planuhan na niya nang maayos ang mga gagawin niya sa isang araw. Nagiging marunong na siyang magbalanse ng oras niya, hindi tulad dating puro trabaho ang nasa isip.

"Alam na ba ni Aziel ang tungkol doon?"

Mahina akong nagpakawala ng hangin, sinabayan pa nang agarang pagpikit at dilat. "Binanggit ko sa kaniya kamakailan lang pero iniwasan niyang sagutin."

Bumaling ang salubong niyang kilay at noong may guhit sa akin, tumigil din siya sa kaniyang ginagawang pagsukbit ng bag sa balikat. "Paano iyan? Hindi pala siya payag sa divorce. Sigurado ka bang pipirma siya kapag nakuha mo na iyong papers?"

Nagkibit-balikat akong ipinadaan ang mga daliri sa buhok na nasa noo ko. "Pipirma naman siguro siya, ate. Baka. . ." Isang malalim na hininga ang pinakawalan.
". . . baka mabago pa niya ang isip ko. Hindi pa ako sigurado. Inihanda ko lang para kapag wala na talaga, pirma na lang niya ang kailangan." Ginulo ko ang buhok at marahas kong isinandal ang likod sa sandalan ng sofa.

Sumulyap siya sa wall clock kasabay niyon ang pagbukas ng pinto sa likuran niya. Kumaway-kaway ako nang makita si Frances, ibinalik din niya ang ginawa ko at agad pang dumayo sa tabi ni ate.

"Hi, Auntie Ruth. How are you all there? I'm doing fine and mommy is planning to go home there again," masayang pagbabalita niya.

Binawi ni ate ang phone sa kaniya habang hinahaplos-haplos ang likod ng ulo nito.

"Ituloy na natin ito mamaya, Ruth. Maghahanda na ako para mag-duty at ihatid si Frances."

Tumango-tango akong iwinagayway ang kamay. "Sige, ate. Ingat kayo riyan," paalam kong inilapit ang daliri sa screen, isang tulak lang mapipindot ko na ang pulang call button sa kaliwang bahagi.

Kita ko ang noo ni Frances dahil medyo nakababa ang phone ni ate, pinapakita ang nilalakaran nilang dalawa palabas ng bahay.

"Good night. Chat mo na lang ako kung hindi ka makatulog at may bumabagabag pa sa isip mo."

Ngumiti akong kumaway bago ko patayin ang tawag. Mabuti na lang wala si Rosette rito, na kay Aziel dahil kung nandito siya, malamang ay hindi na makakapasok pa si Frances.

***
Halo-halong bango ng pastries ang nag-uunahan pumasok sa dalawang butas ng ilong ko. Hindi ko tuloy alam kung anong klase ng tinapay ang magandang kunin sa mga naka-display na tray.

Sinabi kong iyong oatmeal cookies na lang at croissant bread. Nagkatinginan pa kami ni Kalen dahil palaging itong dalawang klase na lang pastry ang ini-order ko kapag napapadaan kami rito sa bakery.

Kumuha siya ng gusto ko at bumili pa ito ng ibang klase para raw matikman ko ang iba. Pagkaabot ni Kalen ng bayad, naghanap kami ng upuan sa gilid.

Ipinahawak niya sa akin ang tinapay habang abala siya sa pag-pagpag ng maalikabok na uupuan namin gamit ang panyong binunot niya sa bulsa.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now