Chapter 15

566 7 2
                                    

DINALA KO siya sa mini-park ng tutorial center para hintayin kung sino ang susundo sa kaniya. Sabay kaming naupo sa bakal na bench sa may lilim ng puno ng mangga, at mga nakahilerang santan sa gilid ng bench.

"Hindi ka susunduin ng papa mo?" tanong ko nang tanggalin niya ang kaniyang bag at inilagay sa kandungan.

Palaging nauuna ang papa niya. Hindi pa kami tapos mag-tutor, nandito na siyang naghihintay.

"Bumalik na po sa work si papa, teacher. Sa December ulit daw siya babalik," sagot niyang nginitain ako.

Kinuha ko iyong inilabas niyang pamunas sa bag niya at nagpresintang ilagay iyon sa kaniyang pinagpapawisang likod. Hindi naman malayo ang nilakad naming dalawa pero pinagpapawisan agad siya.

"Samahan na lang kitang hintayin ang lola mo rito," sabi ko habang hinihila ang dulo ng towel sa labas ng kaniyang school uniform.

"Hindi mo po susunduin si Rosette, teacher?" tanong niyang umupo nang maayos, isinandal ang likod. "Okay lang po ako rito. I'm a big boy. They won't trick me now," nakangiti niyang dagdag habang nakatingin sa akin.

May isang beses na sumama siya sa hindi niya kilala. Mabuti ay nakita ko siya noon. Sinabi kasing naghihintay ang papa niya sa plaza at magkaibigan daw sila kaya wala dapat itong ipag-alala. Naniwala naman ang bata kaya sumama. Tumawag naman ako kay Kalen para kumpirmahin at sinabing hindi, wala siya sa plaza.

Nakatutuwa lang dahil nakikinig na siya sa bilin naming huwag sumama sa mga taong hindi niya kilala. Kahit na sabihin pang pinapasundo siya ng kung sinong kilala niya, huwag pa rin siyang sasama.

"Lola niya ang susundo sa kaniya ngayon," sagot ko sa naunang tanong niya. Lumingon ako sa kaliwa. "Nandiyan na lola mo," banggit kong sinundan ng tingin ang paglapit ni Tita Aira.

Kumakaway-kaway siya nang matagpuan kami. Sa gilid naman ng mata ko, nakita ko ang pagkaway ni Caleb pagkatayo niya at patakbong sinalubong ang kaniyang lola.

Lumapit ako sa kanila. "Ba-bye, Teacher Ruth. Thank you," malambing at masayang sabi niya. Yumakap pa sa akin nang ilang segundo kaya tinapik ko ang kaniyang balikat.

"See you tomorrow, Caleb."

Bumalik si Caleb sa pagyakap kay Tita Aira "Kasama mo pala si Ruth. Kanina pa kita hinahanap sa classroom ninyo." Hinahaplos-haplos niya ang buhok ni Caleb na malapit na siyang maabutan nito.

Katatapos lang ng pag-aaral naming dalawa at may gagamit din kasi sa classroom, kaya sa mini-park ko muna siya dinala para naman makalanghap kami ng sariwang hangin at balak ko sanang kumuha ng mangga, pero nawala sa isip ko.

"Lola, dito na po palagi tambayan ko kapag wala ako sa classroom. Huwag mo pong kalimutan itong lugar na ito," sabi niyang napatango-tango si Tita Aira.

"Oo na, apo. Ito na meeting place natin palagi."

Nag-angat ng tingin si Tita Aira. Nakangiti niyang naituro ang exit gate. "Oh, Ruth. Mauna na kami ni Caleb," paalam niya.

Tumango lang ako at iwinagayway ang palad. "Sige ho, tita. Mag-ingat ho kayo sa pag-uwi."

Hinatid ko sila ng tanaw hanggang sa makasakay sila ng tricycle. Kumakaway-kaway pa silang dalawa sa akin.

***

Pasalampak kong ibinagsak ang katawan sa sofa at pumikit. Hindi na sana maalimpungatan si Rosette. Kanina pa niya hinahanap si Aziel at hanggang sa mga oras na ito, alas dose y pasado ay hindi pa rin dumadating sa bahay.

Hindi na ako manghuhula pa kung sino ang kasama niya. Dalawa lang ang puwedeng kasama niya. Mga kaibigan niya o si Emily.

Pipikit na sana ako para umidlip sandali habang hinihintay ang pagdating niya nang biglang bumukas ang pinto. Nag-uumpugang susi at pagbangga niya sa dingding ang nag-utos sa katawan kong tumayo at salubungin siya.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now