Chapter 16

641 12 0
                                    

GUMUPIT NANG maliit na piraso sa dulo ng buhok ni Rosette si Aziel para gawin ang pamahiing sinabi sa amin ni mama kanina nang dumaan kami. Magiging kasingtalino daw ng bata ang mauunang gugupit sa buhok niya. Since ito ang pinakaunang beses ni Rosette na magpagupit, gusto kong gawin iyon para mamana niya ang katalinuhan ni Aziel.

Rosette's giggling, staring at herself in front of the big mirror. Itinuro pa niya si Aziel. "Dad, you're good."

Ngumiti lang si Aziel at ibinalik ang gunting sa stylist. Tita Vivian contacted Miss Veron, her friend and owner of the Verycare hair salon, which it is the one of the well-known hair salon nationwide. Marami talagang koneksyon si Tita Vivian.

"Ano ang gusto mong style ng gupit, little princess?"

"Like mommy," sagot ni Rosette sabay turo sa akin.

Namulagat ako sa pagtataka. "Ayaw mo ng may bangs, baby? Sabi mo kanina gusto mo may bangs gaya ni Anna sa Frozen," sagot ko dahil iyon ang bukambibig niya magmula pa kahapon noong sinabi naming magpapagupit siya ng buhok.

Umiling-iling siya. "No, mommy. I want your hair."

Natawa akong naramdaman ang pagsulyap ng dalawa naming kasama sa loob ng salon. Sinimulang ayusin ni Miss Veron ang buhok ni Rosette, inipon niya lahat sa likod. Maya't maya ang pagsulyap sa akin ni Miss Veron, tinitingnan ang ayos ng buhok kong nakalugay.

Rosette's hair is different from mine. My hair has a natural body waves while she has a minimum waves in her hair. She's still too young to curl her hair to make it look like mine. Miss Veron touched my jaw-length layer of my tousled ends.

Hinarap niya si Rosette at sinukat ang haba ng buhok nitong matitira. Nang matantiya niya ang eksaktong haba na magiging magkahawig ang buhok namin kahit paano ay nagsimula siya sa paggupit. Inuugoy-ugoy ni Rosette ang mga paa niya, gumagalaw-galaw ang ulo niyang hinihila ang ilang buhok niya na nasa likod.

Lumapit ako para ibaba ang kamay niya. Baka masugat pa siya at hindi maging maganda ang resulta ng buhok.

"Hold me, mommy," lingon niyang sabi, itinaas ang kamay. Tinanggap ko at hinawakan, saka ako tumayo sa tabi niya.

Nakita ko sa salamin ang paglingon ni Rosette sa kaliwa. "Dad, hold my hand."

Nilapitan din siya ni Aziel, hinawakan ang nakalahad na kamay ni Rosette. Naging tahimik siya nang ilang minuto hanggang sa matapos ang paggupit sa kaniya ni Miss Veron.

Hawak pa rin namin ang kamay niyang nagpalipat-lipat ng direksyon ang ulo niya hanggang sa makapili siya kung sino sa amin ang titingnan niya.

"Dad, how do I look?"

Yumuko si Aziel. "Kamukhang-kamukha mo na si mommy," sagot niyang pinisil  ang tungki ng ilong ni Rosette.

Hinarap niya ako. "Mommy, we're twins!" Ipinaling-paling pa niya ang ulo, ipinapakita sa akin ang pagkakahawig na ng buhok namin na hindi pa rin pakikipaghawak-kamay sa amin.

"Dad, twin din dapat kayo ng magiging baby brother na ako."

Naglipat ako ng tingin kay Aziel. Nakatingin din pala siya sa akin na parang may sinasabi pa ang mga mata niya, pero hindi ko mabasa kung ano. Kinunutan ko lang siya noo. It's my first time hearing her saying like this.

"You want a baby brother?" hindi makapaniwala ang tono ng boses niyang tanong.

Tumango siyang nakatikom nang mariin ang labi. "That's my birthday wish. I want to be a big sister. You will grant that wish, Dad?"

Muling tumingin sa akin si Aziel. Tiningnan ko lang siya. Mukhang imposible ang hiling ni Rosette dahil sa paraan pa lang ng tingin sa akin ni Aziel ay parang nag-aalangan—humihingi ng tulong sa akin kung ano ang isasagot.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon