Chapter 30

564 5 0
                                    

PARANG HANGING nawala ang kasiyahan namin ni ate noong makita namin ang kalagayan ni mama.

Malungkot kaming tiningnan ni papa at tumabi sa akin. Pareho niyang hinawakan ang magkabila naming balikat dala nang sobrang panlulumo.

Ang saya-saya pa namin ni ate kanina, para pa kaming mga bata. Pero ganito pala madadatnan namin. Nakadilat lang si mama sa amin.

Sumubsob si ate sa balikat ko sabay hagulgol. Tinalikuran pa niya si mama para itago ang pagtulo ng luha.

“Pa, bakit hindi nagsasalita si mama o gumagalaw man lang?”

Inaasahan ko pa namang pagdating namin ay maririnig ko ang boses niya, sasalubungin niya kami ng maraming tanong at palalapitin pa niya kami para yakapin.

Malungkot na tinapunan ni papa ng tingin si mama habang nasa paanan lang kami ng kama. “She's conscious now but in a locked-in syndrome as per doctor says.”

May kunot sa gilid ng mga mata kong sinulyapan si ate. Alam kong nakasaksi na siya ng ganitong kaso sa tuwing nagigising ang pasyente sa ICU.

Nag-angat siya ng ulong pinupunasan ang ilong. “Because of stroke that's why she's unable to move her all parts of body, and cannot even speak.”

Mas lalong kumunot ang noo ko. “Paano natin makakausap si mama?”

“Pagkurap ng mga mata,” simpleng sagot ni ate, pinupunasan ang pisngi niya pati ang ilong kaya sumingkit ang tono ng boses niya. 

Lumipat ulit ang tingin ko kay mama na sobrang bagal ng pagpikit niya. Para bang mabigat ang talukap niya pero nilalabanan lang niyang dumilat.

“At karamihan sa mga handle kong pasyente na may ganitong kalagayan sa ibang bansa. . .” Suminghap si ate. Malungkot niyang inilihis ang tingin patungo sa akin. “. . .hindi ko kayo tinatakot pero karamihan sa kanila, hindi na naka-recover.”

Umawang ang bibig kong nilingon agad si papa nang maramdaman ang pagpisil niya sa balikat ko at sinabayan pa ng pagtapik nang mahina.

Tinititigan ko ang mukha niyang nakangiti. Sobrang pilit. Gusto na rin niyang sumunod na umiyak pero ayaw niyang bumigay. Tinapik niya ulit ang braso ko, parang doon na humuhugot ng lakas. 

“Makaka-recover din ang mama ninyo. She's a wonder woman of our family,” nakangiting puri niya, tumitig siya kay mama. 

“Malalampasan din natin ito 'di ba, Celine?”

Mama just looked at us blankly. I can sense through her eyes that she wants to cry and hug us three but she can't.

Agaran akong lumingon sa kanan para hindi na rin sumabay kay ate sa muli niyang pag-iyak. Mas lalo lang hindi makakatulong kay mama at papa.

Tumayo lang kami roon, nakipagtitigan kay mama at nagpapakiramdaman kung sino ang susunod na bibigay sa amin sa pag-iyak.

***

Tahimik lang ako buong biyahe. Hindi rin siya nagtangkang magsalita pa magmula noong daanan niya ako sa ospital.

Naramdaman ko ang pagbagal ng galaw ng kaniyang sasakyan. 

“Are you all right?” nag-aalala niyang tanong.

“Sabihin mo lang kung gusto mong sunduin si Rosette,” dagdag niya nang hindi ako umimik agad.

Humarap ako sa kaniya, nasa akin pa rin ang tingin niya at hindi nawawala ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha niya.

“Kalen. . .”

Napatungo siya sa akin at sumaglit ng tanaw sa kalsada. “I know that look. What happened?”

Nang makita niyang umandar ang katapat naming truck ay ibinalik niya ang pokus sa kalsada para ituloy ang pagmamaneho nang maayos.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon