Chapter 3

515 4 0
                                    

ABOT-LANGIT ang ngiti kong lumapit. "Good evening, tita," pagbati ko, kinukuha ang kamay para sana magmano nang agad niyang itago sa likuran at lampasan ako.

Napahiya ako kaya ipinunas ko na lang ang kamay sa shorts ko. May ngiti sa labing sumunod ako sa kaniya at pananatili ko ang dalawang hakbang na agwat namin. "Kumusta na ho kayo? Mabuti nakabisita kayo rito," sabi ko habang dire-diretso siyang naglalakad.

She roamed her eyes around the house. Seems like she's looking for Aziel. Sasabihin ko sanang nasa itaas, pinapatulog si Rosette pero hindi ko nagawa. Hindi alam kung bakit parang nalunok ko yata ang dila ko. Nang magsawa siya sa pagkilatis sa bahay, humarap siya sa akin pagkatapat niya sa sofa.

"Nanganak ka na pala." Pinagpag niya ang upuan gamit ang nakasandal na unan. "Ano'ng plano mo ngayong nanganak ka na?" tanong niyang ipinagkrus ang hita pagkaupo saka niya inilapag nang maingat ang mamahaling bag sa mesa.

Naupo ako sa couch. "Babalik ho siguro ako sa pagtratrabaho, tita," sagot kong sinamahan pa ng ngiti.

Sinundan ko ang pagbaba ni Aziel, nakangiti siyang nakatanaw sa likuran ng mama niya. Napansin naman yata ni Tita ang tinitingnan ko kaya lumingon siya. Tuwang-tuwa siyang tumayo nang makita niya si Aziel. Sinalubong niya ito ng yakap matapos bumeso ni Aziel.

Lumingkis si tita at hinila nang may panggigigil, halatang na-miss niya ang anak. Pagkabalik ni tita sa pag-upo, humiwalay sa kaniya si Aziel para umupo sa arm ng couch sabay akbay sa akin. Tinapik-tapik ni tita ang espasyo sa tabi niya. Sinenyasan ko siyang tabihan niya si tita roon.

Tumaas ang isang kilay niya. "Ikaw, magtratrabaho ka pa? Dumito ka na lang sa bahay para alagaan ang anak ninyo at alagaan si Aziel."

Umupo si Aziel sa tabi niya at hinarap ito nang may guhit sa noo. "Papayagan mong magtrabaho ang asawa mo?" tanong niya.

Matipid na tumango si Aziel. "Hindi ko naman siya pagbabawalan, Ma. Kung iyon ang gusto niya, doon siya." Ngumiti siyang tinapunan ako ng tingin.

Nailing-iling siyang tiningnan ako. "Kaya pala lumalaki ulo ng asawa mo kasi palagi mong pinagbibigyan sa gusto niya," pasaring niyang sabi, tunog nangsusutil. "Ano na nga bang trabaho ang papasukan mo?"

"Sa tutorial po, tita. Babalik ho ako doon."

Maganda naman ang trabaho ko roon. Nang malaman nga nilang nanganak na ako, nag-email agad sila sa akin at puwede pa raw akong bumalik doon kung gugustuhin ko. Nabanggit ko rin naman na ito noon kay Aziel noong mag-resign ako na baka babalik pa ako sa pagtratrabaho.

"Maliit lang ang sahod mo doon, paano ka makakatulong sa pamilya ninyo?" taas-kilay pa rin niyang tanong sa astang minamaliit ako. "Mas maganda kung maging full time housewife ka na lang. Sinasayang mo lang lakas mo. Malayo pa man din sa tinapos mong midwife ang pagiging tutor."

Hinila ko ang laylayan ng blouse ko at pinagtutupi ito habang sinasabayan ko nang mahihinang pagpapakawala ng hangin. Ginawa ko ang makakaya kong hindi pumalpak sa pagngiti dahil baka pati ang matipid at naiilang kong ngiti ay pansinin pa niya.

"Pag-uusapan ho muna namin, tita. Plano pa lang naman ho. Wala pa akong sinabing magtratrabaho na ako agad," may respeto ko pa ring sagot.

Palagi na lang ganito ang bungad niya. Akala ko pa naman ay gaganda ang pakikitungo niya sa akin noong malaman niyang makakaroon siya ng apo, pero mukhang lumala yata siya.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang maganda kong gawin para magustuhan niya ako. Ginagawa ko naman lahat, pero parang kulang pa rin sa kaniya. Parang hindi pa sapat lahat ng ginagawa ko bilang asawa ng pinakamamahal niyang anak.

"Eh, parang ganoon na rin iyon. Nililito mo lang kami ng anak ko." Siniko niya si Aziel.

"Ma, that's enough. We'll decide what's the best for us," pikit-matang saway niya dahilan para umawang nang kaunti ang labi ni tita.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now