Chapter 17

591 3 0
                                    

PANAY ANG bukas at sara ng bibig ni Sally sa tuwing lumilingon siya sa akin pero wala akong sinabing ni isang salita para matahimik ang kaniyang kuryusidad.

Bumagal ang takbo ng kotse niya at ipinarada sa asul na gate. Nagpakawala siya ng hangin, tiningnan akong hinawakan ako sa balikat. "Bestie, kung hindi ka okay, sabihin mo lang sa akin. Promise, tatahimik ako buong oras."

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagtaas niya ng kamay, isinasara ang labi na parang may zipper. "Hindi ka lang makakapag-focus sa duty mo kapag malalaman mo. Pasensya ka na kung hindi ko pa sinasabi sa 'yo," sabi ko.

Nakakabigla ang katahimikan niya dahil madalas, kapag nagkakaganito ako, hindi niya ako titigilan. Wala rin siguro siya sa mood o gusto lang niya muna akong  bigyan ng space hanggang sa maging handa ako sa pagkuwento.

"Kahit hindi mo na sabihin, parang may clue na ako nang slight," sabi niyang ipinaglayo ang hinlalaki at hintuturo, ipinapakita kung gaano kaliit. "Sa dalawang maletang dala mo, masasabi kong hindi maganda ang nangyari sa inyo ni Azi."

Hindi ko na itinanggi pa nang bigyan ko siya ng pagtango. "Natumbok mo," mapait kong sagot.

Pinisil ko ang mga daliri ko sa kaliwang kamay. Natatakot akong makarinig ng kung ano. Alam kong sobra akong naging tanga para palipasin ang lahat at ngayon lang nagising. Hindi ko nga halos alam kung tama pa ba itong ginagawa ko o hindi.

Kung hindi si Sally ang kasama ko, baka nasa kalahating kilometrong layo pa ako, paniguradong bumalik na ako roon.

I passed out yesterday after crying so hard and bursting my feelings towards him. When I woke up in the middle of the night, I was all alone in the house. Feeling powerless and having no energy to move.

Naghanda pa ako ng makakain niya sa pag-aakalang pagsapit nang umaga ay uuwi siya, at plano kong pakitunguhan siya na parang walang nangyari pero walang Aziel na umuwi. Hanggang sa dumating ang hapon, hindi pa rin siya nagparamdam at doon na naman ako natauhan. Naisipan kong punuin ng gamit namin ni Rosette ang dalawang maleta at saka ko tinawagan si Sally.

"Huwag na nga lang nating pag-usapan. Baka bumalik pa ako at pagsalitaan nang masama si Azi."

Ngumiti lang akong tinanggal ang seatbelt. Pagkabukas ko ng pinto ay mabigat na hangin ang tila yumakap sa akin. Mukhang sinasampal sa aking mali ang ginawa ko. Dapat nag-stay pa ako roon.

"Samahan na kita sa loob," presinta niyang natanggal na rin ng seatbelt.

Maagap kong itinaas ang kamay. "Hindi na, Sally. Masyado na akong abala sa 'yo. Male-late ka na sa duty mo," sabi kong isinara ang pinto para pumunta sa likod ng sasakyan niya at kunin ang mga maleta.

Bumaba siyang sinamahan ako sa paglabas at hinila iyon. Hinawakan niya ang door handle ng gate. "Hindi ka abala, Bestie Ru. Tara na sa loob," pag-aaya niyang marahan ko lang tinanggal ang nakadikit niyang mga kamay sa door handle.

Kinuha ko sa kaniya iyong maletang hawak niya. "Okay na ako. Salamat."

Pasuko siyang nagpakawala ng hangin at pinisil ang balikat kong dinapuan ng kaniyang kanang kamay. "I'll leave you here. Tawagan mo ako kung kailangan mo ng resbak o kung ano man iyan, bestie," nakikiusap ang tono ng boses niyang sabi. "Ready akong makipag-away sa asawa mong punyawa para ipagtanggol ka." Mariin ang pagtikom ng labi niyang itinaas ang nakakuyom niyang kamao.

Ngumiti lang ako, wala akong mailabas na pagtawa kahit gusto kong tumawa sa sinabi niya. "Salamat, Sally. Mauna ka na para hindi ka na masyadong mahuli sa duty mo," sabi kong itinulak pa nang marahan ang likod niya.

Tumango-tango siyang kumaway habang nakatalikod. Pinanood ko ang paglayo ng sasakyan niya nang bumisina pa siya bago tuluyang umalis. Pagkabukas ko ng gate, tahol ng asong nasa kulungan ang bumungad sa akin, tinatawag ang atensyon nila mama sa loob ng bahay. Sinasabi niyang nandito na ako, may dalang dalawang maleta.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon