HDDL 9 - Harry and Ginny

216K 2.1K 103
                                    

A/N:

Blake's picture on the right side... ^___^

Chapter 9

"Kanan o kaliwa?"sabi ko sa sarili ko. Saan nga ba kami pumunta last last week? Kumanan ata kami? O kumaliwa? Dapat pala nagpaantay na lang ako kay Sapphire.

"Asan ba yung HRD na yun?"muli kong sabi.

"Turn right. Sa dulo, turn left. Ung unang door sa right side, un ang HRD,"singit nung isang boses ng lalaki.

Napalingon ako sa tabi ko.

Anong ginagawa nya dito? At bakit nakablazer sya na pang-doctor?

"I'm a doctor of this hospital, ice cream girl,"nakangiting sabi nya.

Huh? Mind-reader ba sya?

"Nope. I'm not a mind-reader. You're a very transparent person. I can see what you're thinking just by looking at your pretty face,"

"Doctor ka talaga dito?"

"Yes. You're applying for a job?"tanong nito.

"Oo. Staff nurse. Interview ko nga ngayon eh,"sagot ko at napatingin sa relo ko.

"Patay! Sige, una na ko, baka malate pa ko sa interview,"paalam ko at lumakad na pakaliwa.

"Ice cream girl, wait. I said turn right, not turn left,"habol nito sa kanya.

Napatapik ako sa noo.

"Oo nga pala. Salamat,"sabi ko at naglakad papunta sa direksyong sinabi nya.

"Ihahatid na lang kita dun,"sabi nito at umagapay sa kanya.

"Wag na. Baka busy ka,"tanggi ko.

"Baka makasuhan pa ko dahil may isang babaeng naligaw dahil hindi ko sya hinatid,"nakangiting sabi nito.

Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin, gwapo pala

'tong lalaking 'to. He's a boy-next-door type of guy. Mas nagiging gwapo ito pag nakangiti. His eyes are expressive.

"Wala namang kasong ganun,"

"Eh di papagawan ko sa congress,"

"Bahala ka na nga. Tara na, baka malate pa ko,"

"Yes, ma'am. This way,"sabi nito at nilahad pa talaga ang kamay na parang animo usher ng hospital na yun.

Pagdating namin sa tapat ng HRD, nagpasalamat ako sa kanya.

"Thank you, Mr.---"

"Alleje. Blake Harry Alleje, at your service,"pagpapakilala nito at inilahad pa ung kamay nya.

Nakangiting tinanggap ko ung kamay nya,"Ginevra Cleo Bautista. You can call me, Cleo,"

Nagulat pa ko nang yumukod sya at inilikan ang likod ng palad ko. Agad na nag-init ung dalawang pisngi ko sa ginawa nya. First time na may lalaking gumawa nun sa kin.

"Nice seeing you again,Ginny"sabi nito nang pakawalan na nya ung kamay ko.

"Ginny?"nagtatakang tanong ko. Panong naging Ginny?

"J.K. Rowling made Harry and Ginny. I'm Harry and you're Ginny. Ginny's real name is Ginevra,"nakangiting paliwanag nito.

"Dami mong alam. Sige na, pasok na ko sa loob,"paalam ko at tumalikod na para pumasok sa kwarto.

"By the way, Ginny, you owe me a deal because we've met again,"pahabol nito.

Naalala ko bigla ung masarap daw na cheese ice cream ng Mommy nito pag muli silang nagkita.

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon