Chapter 24.-Back to normal.

1.9K 62 6
                                    

Haylee's Point of View

The mission went successful. Lord T was captured at nang makita namin kung sino siya, he's too old na. He was charged for so many cases kasama ang iba niyang kasama, Kimut and Kimbot are on the orphanage, gusto ko sana silang kunin din pero sila na mismo ang umayaw, ayaw nila e 'di don't.

Two weeks already passed, sina Greg, Ingko at Listo ay nagtatrabaho na sa kumpanya ni Dwayne, janitor ang dalawa habang entrance guard naman si Greg.

At ngayon naman, kasama ko ang dalawang bata kasama si Lily papunta sa office ni Dwayne or should I say na ako lang ang papasok dahil may pupuntahan kami. Busy si Maica at Angelo sa isa't isa, nag-yaya si Angelo ng date kuno dahil parte iyon ng panliligaw niya, mukhang nasusulit pa ng kambal ko ang moment nila samantalang 'di ko sulit ang panliligaw ng asawa ko, tch. Pero okay lang, sulit na sulit naman na ako ngayon, talagang asawa ko na siya, e, sa papel at sa puso.

Stop me, nakangiti na ako bigla sa kotse, tinaasan tuloy ako ni Lily ng kilay sa rear mirror. "Okay ka lang, ate?"

"Oo, may iniisip lang." umiling siya.

"Naku, baka iba na iyan ate, ha." nginitian ko lang siya. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa parking lot ng Chen Corporation. Sa entrance ng parking at ng building ay parehong may mga poster na malaki at naroon ang mga pangunahing alak na ginagawa ng kumpanya.

Nagpaalam lang ako sa kanila at nilakad ang elevator sa parking lot. Bago pumasok sa office ni Dwayne ay nadaanan ko si Neat as always na dadalaw ako dito. Sinabi niyang may appointment pa siya pero sandali na lang daw. Nanatili akong nakatayo lang doon at inantay ang paglabas ng bisita niya.

Limang minuto lang ang itinagal bago pa man lumabas ang tatlong matatandang naka business attire kasama si Dwayne.

"See you there, Misters. Thank you for coming today." nasulyapan niya ako pero sinenyasan ko siyang 'wag muna akong puntahan dahil mukhang nag-uusap pa sila. "I am looking forward with you. I hope we can cooperate well in the future. My secretary will accompany you, take care."

Nagpaalam pa sila bago sila samahan ni Neat paalis. Nakatanaw pa lang ako sa papaalis na mga business men ay agad ko nang naramdaman ang pagpulupot ni Dwayne ng kaniyang braso sa beywang ko.

"Did you waited? I'm sorry for taking so long, you should have told me that you'll come today." isiniksik niya ang mukha sa leeg ko, ezzz nakakakiliti.

"Parang seven minutes pa lang naman ako dito, e. Busy ka pa ba? May mga appointments pa? Or may mga aasikasuhin ka pa ba? Okay lang naman kung mayroon, aalis na lang ako." pinulupot ko din ang kamay ko sa kaniya.

"No, that was the last appointment I have today and everything is running well as always. Why? Do you need something?" iniangat niya ang ulo at hinarap ako pero nakapulupot pa rin ang mga braso niya.

"Pupunta kami sa plaza, you know? Piyesta na kasi, maraming rides. Aayain sana kitang sumama, I'm with the kids." ngumiti siya ng kaunti at kumalas na.

"Okay then, I'll just change my clothes." umayos siya ng tayo sa harap ko.

"Sige," nagtaka ako dahil hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. "Bakit? Magpalit ka na do'n, hihintayin kita dito."

Kinuha niya ang pulsuhan ko at pilyong hinila ako papasok ng office niya. "Wait here, have a seat. Your knees will be weaken if you stood there for too long." pinaupo niya ako sa couch bago pumasok sa isang room, ang dating tutoring room ni Nathaniel.

Napalitan na iyon ng isang kwarto, may closet siya doon para kung urgent ay makakapagpalit agad siya at hindi na niya kakailanganing umuwi, minsan ay dito din siya nagpapahinga kapag maraming aasikasuhin. Umuuwi naman siya sa mansion after niyang mag-overnight pero sinabi kong dapat na tapusin niya muna lahat kung kaya niya pa, makakapag hintay naman kami. Minsan ko na ding ipinilit na magtrabaho din bilang shareholder pero hindi niya ako pinayagan, dapat ay sa bahay lang daw ako kasama ng mga bata, ayaw niyang nai-stress ako.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now