Chapter 16.-Revealed.

1.8K 60 13
                                    

Haylee's Point of View

Back to my normal life. Naiwan muna sa bahay si Edrian kasama of course si Kate. Nasa trabaho na si Dwayne pero dahil nag-aaral pa naman ang dalawang bata kasama ang tutor nila at wala akong magawa, ginawan ko ng lunch si daddy Dwayne. Nag-hire siya ng tutor para kay Kate at weekdays ngayon kaya malamang ay may aaralin silang dalawa.

"Good afternoon ma'am." yumuko ako ng kaunti kay manong guard. Tutal alam naman na nilang kasal ako sa CEO, ito ang routine kapag bibisita ako dito, babati sila sa tuwing madadaanan ko. May mga iba ngang nagbubulungan pero dinig ko naman.

"Paano niya pinakasalan si Mr. Chen 'no?"
"Maayos naman sila, ah. Nakikita kong lagi silang nakangiti tuwing magkasama sila. Legit, ngumingiti si Mr. Chen."
"Sana lahat! Ang swerte niya!"
"Basta ako, kay Angelo na lang."

Hindi ako nagbibigay ng atensyon sa mga iyon kahit na ilang araw na silang paulit ulit na ganito ganiyan.

"Good morning Mrs. Chen. I'll just call Mr. President for you, please wait a minute." ngumiti ako kay Neat na siyang sekretarya ni Dwayne. Pangalan pa lang, malinis na. "You can now proceed, ma'am." masaya akong naglakad patungo sa pintuan at binuksan iyon kaagad.

Hindi ko pa man naisasara ay may boses na akong narinig sa likod ko.

"What's the matter?"

"Wala akong magawa sa bahay, e. Ayaw naman ng mga katulong na tumulong ako sa gawaing bahay, busy sa pag-aaral ang dalawang bata at wala si Lily kaya gumawa ako ng lunch para sa'yo. Heto, oh!" tinaas ko ang bag na dala ko.

"Was that made of love?" nakangisi na siya habang nakatanaw sa hawak ko.

"Tsk. Gawa iyan sa gulay, hindi nakakain ang love, nadadama iyon." nginiwian ko siya bago umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Isa isa kong nilabas ang mga pagkain at inihelera sa harap niya. "Kumain ka na, mainit pa 'yan. Tabi mo muna iyang ginagawa mo. 1:15 pm na." sabi ko at kinuha ang ballpen na hawak niya.

"How about you? Come and join me." umiling ako.

"Tapos na akong kumain. Wala akong nadalang tubig, kukuha lang ako saglit, teka," pinigilan ako ng kamay niya.

"I already have my water here." may bottle na pala sa lamesa niya, duling pala ako. "And besides, you have nothing to do, right? Feed me then." muli siyang ngumisi, sinasanay niya ng ngumisi ngisi sa akin, ah!

"Naku ka Dwayne. May kamay ka naman. Tsaka may plano pa ako, ihahatid ko lang dapat iyan, e." tinaasan niya ako ng kilay.

"Then what is your plan?"

"Lalaruin ko si Grunge. Na-overcome ko na ang takot ko kaya since bored ako, makikipaglaro muna ako sa kaniya habang nag-aaral ang mga bata." sumusubo na siya ng pagkain kaya hindi na siya nakasagot.

"You cooked this?" I nodded. "It's delicious. I'm on a diet today but I guess I'll be eating this all. Thank you for this,"

Aalis na sana ako pero natulala ako sa kaniya habang kumakain. Perfect jaw line, perfect eyebrows, perfect nose and reddish lips. Ang gwapo niya kahit saang anggulo tignan.

"Hindi ka ba marunong mag-tagalog, Dwayne?" natigil siya sa pagsubo. "I mean, hindi pa kita narinig na mag-tagalog, pati si Edrian. May lahi ka bang amerikano?"

"Yes. I'm a half Filipino for my mother is a Filipina. I tend to learn before how to speak on your language but I can't so I told Angelo to help me understand every word. Well, Edrian was also like that, he can't learn to speak but he learned to understand." napatango tango ako at tumayo na.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now