Chapter 11.-Nathaniel.

2K 69 8
                                    

Haylee's Point of View

"Dahan-dahan lang, Kate. Edrian, drink your water muna, oh. Baka mabilaukan kayo." sinita ko silang dalawa dahil malikot silang kumakain. Naghahabulan kasi sila at nagkikilitian. Nakakamangha nga dahil masaya si Edrian at syempre, si Kate din. Nahahawakan ni Kate ang bata at ngayon, pareho silang nakakuha ng kalaro.

"Mommy, tita-ate is cheating!" sumbong sa akin ni Edrian nang mapagod sa kakahuli ng kamay ni Kate. "Tita-ate! S-Stop hahaha!" patuloy silang nagkikilitian sa harap namin ni Dwayne.

Sayang nga lang at hanggang dito na lang kami sa garden, may nangyari, e.

"Sasakit tyan niyo diyan. Tumigil muna kayo. Tignan niyo, puno na kayo ng pawis." hinablot ko ang isang panyo sa gilid ko at pareho silang pinunasan. Tumigil na din sila nang makaramdam ng pagod.

"You'll shower later, both of you. You're already stinky." nagsalita si Dwayne na nakaupo lang sa nakalatag na tela. Ngumuso si Kate dahil hindi niya naintindihan ang sinabi niya.

"Maliligo daw kayo mamaya kasi ang baho niyo na." natatawa akong pinisil ang mga ilong nila. Agad nagreklamo ang dalawa.

"Ee? Hindi naman po, e!" nagmaktol agad si Kate kay Dwayne, nanlaki pa ang mata ko nang samaan niya ng tingin ang lalaki. "Malinis kaya kami! Kuya Dwayne, ang bad mo!"

Tumawa ng mahina si Dwayne. T-Teka, tumawa?

Oo, tumawa siya. Ang malumanay ng boses niya nu'ng tumawa siya. First time ba 'to? First time ko bang nakitang tumawa siya? Bakit natulala ako?

"But I want to swim. Can we go to swimming pools?" napatino lang ako nang magtanong si Edrian. Tumalon si Kate at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Oo nga, ate! Miss ko na rin mag-swimming sa swimming pool! Swimming tayo!" tumingala ako sa langit, masyado nang tirik ang araw, tapos ng mag-alas dose at dito na rin kami kumain ng pangtanghalian.

"It's now too hot to go outside and your skin will burn under the sun. You will swim here in the garden. I'll order some swimming pool that can be at home." inilabas niya ang cellphone sa bulsa at tumayo matapos may kung anong kalukutin doon.

Kakausapin ko pa sana sila nang may biglang tumawag sa cellphone ko. Hindi naman kalayuan ang nilayo ni Dwayne kaya p'wede ko silang iwan muna saglit.

"Hello? Sino po sila?" number lang ang nasa screen kaya hindi ko kilala.

[Nandito na po ang pina-copy niyong dokumento, Miss Biñanas. Nasa tapat po ako ng mansyon niyo.] nagsalubong ang mga kilay ko. Wala akong natatandaang nagpa-xerox ako ng mga dokumento at wala din akong dokumentong kailangang ipakopya.

"T-Teka teka, manong. Ano pong sinasabi niyo? Baka namali po kayo ng napuntahan. Wala po akong ipinapakopyang dokumento." naguguluhan na ako, sumilip ako sa malaking gate mula sa garden at nakita ang isang motor na nakaparada doon, may nakasakay na kung sino.

[Para sa inyo po ito. Saktong lugar at saktong pangalan po. Hindi naman po sa pinapamadali ko kayo pero kailangan ko na pong bumalik agad.] wala akong nagawa kun'di ang lumabas at takbuhin ang gate. Nandu'n pa ang isang guard ni Dwayne at pinagmamasdan ang binata.

"Ma'am, para sa inyo raw po ang dala niya. Hindi ko po pinapasok dahil walang permiso kay boss." tumango ako sa guard at sinabing buksan ang gate.

Pagkalabas ay iniabot sa akin ng binata ang isang envelope na hindi naman ganu'n kakapal.

"S-Sigurado ka bang para sa akin ito? H-Hindi ko maalalang nagpakopya ako ng mga dokumento. Sino ang nagsabi sa'yo?"

"May isang babae at lalaki pong nagpunta sa amin para sabihing kopyahin ang mga iyan. Nandiyan pa po ang original document. Sa totoo nga po ay kamukha niyo po ang babae. Pakipirmahan na lang po ito." nagtataka pa rin ako nang abutin ang papel na ibinigay niya para pirmahan ko.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now