Chapter 27.-Bitter and Sweet.

1.7K 60 16
                                    

Haylee's Point of View

"Saan ang punta, Haylee?" nilingon ko si Jamaica na kakadating lang galing sa kung saang lupalop ng mundo. "Bihis na bihis, ah? Date ba? Date kayo ni Dwayne?" pinaikot niya sa kamay ang straw ng iniinom niyang juice na nabibili sa labas habang nakangisi.

"Hindi. Sa kumpanya ang destinasyon ko." inayos ko ang fitted shirt na suot ko saka ang pencil skirt. Medyo hindi ko sanay ang ganitong suot pero sige lang, build the confidence.

"Bakit? Nagtatrabaho ka na ba?" inilapag niya ang baso at nagpameywang.

"Tutulong lang ako, ilang araw na lang ang ILC sa US at mukhang pressured sila sa alak, e. Malay mo, makatulong itong ganda ko." bigla siyang nasamid sa sarili niyang laway at pinanlakihan ako ng mata, hindi makapaniwala. "Tarantado, 'wag mo akong tignan ng ganiyan. Maganda talaga ako."

"Sige, tatanggapin ko 'yan basta mana ka sa'kin." nginiwian ko na lang siya at isinuot ang sapin ko sa paa. "By the way, ano namang gagawin mo doon? Pang math ka, malayo naman iyon sa paggawa ng alak, ano 'yon? Ime-measure mo 'yung likido?"

"'Wag ka ngang umepal, malay mo may mailabas akong hidden talent ko. At saka wala naman akong gagawin dito sa bahay." tumayo na ako at tinignan ko pababa ang katawan ko. "Ayan, okay na!"

"Teka, what the freak?! Is that a hickey?!" nanlalaki ang mga mata niya habang itinuturo ang kung ano sa leeg ko. "What the fuck? Masyado kayong pahalata, may mga bata dito!" mapanloko siyang napangisi habang nakatakip ang kamay sa bibig.

Nagtataka akong humarap sa salamin at tinignan ang leeg ko. At iyon na lang ang pagsampal ko sa salamin at inilapit pa ang mukha.

Gagong Dwayne, nag-iwan ng marka sa leeg ko!

"Dwayne, akala ko ba inaantok ka na? Dinapuan na ako ng antok," inaantok na wika ko sa kaniya. "Tulog na,"

"I feel like a vampire right now. I can't sleep." natawa ako ng mahina.

"Kailangan mo ba ng dugo para makatulog?" pagbibiro ko pa kahit pumipikit na ang mga mata ko.

"Why? Are you willing to give your neck to me for blood?" lumapit siya sa akin at matalim na tumingin sa leeg ko.

"Tsk, matulog ka na nga lang. Literal na vampire ka na sa itsura mo, oh, gusto mo lang ng yakap, e." I opened my arms for a hug. "Inaantok na ako, bilisan mo." nagmulat ako ng mata nang hindi maramdaman ang yakap niya.

"Dwayne-Ay!" dumeritso siya sa leeg ko at sinipsip iyon. "Dwayne!" medyo mahapdi pero nang dinama ko ang labi niya ay may kung anong sumilab sa loob ko. "Dwayne, h-hoy!"

Nang kumalas ang labi niya ay nakangiti siyang tumingin sa akin.

"There," nagtaas baba ang kilay niya at napalitan ng ngisi ang ngiti niya. Napa-upo ako sa pagkakahiga at hinawakan ang sariling leeg.

"Anong ginawa mo?!" umupo din siya at lumapit sa mukha ko.

"Why? Does it hurt?" mapanloko siyang tumingin sa leeg ko na kunwaring nag-aalala. "Heads up," Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Wala pang ilang segundo nang maramdaman ko ulit ang pagdampi ng labi niya.

"D-Dwayne-hmp!" hinampas ko siya ng paulit-ulit. "Mahapdi. Bampira ang peg, matulog ka na nga!"

Tumawa lang siya at nahiga na ulit. Hinawakan ko ang leeg ko at hinimas himas iyon. Nakatayo pa ang mga balahibo ko, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba, jusko!

Nadinig ko ang paghalakhak ni Jam, "Masyado kayong pa halata, ang kalat gaga." sinamaan ko siya ng tingin.

"'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano ano. Tsk." umakyat na lang ako sa kwarto para kumuha ng balabal.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now