Chapter 26.-Overseas.

1.6K 59 3
                                    

Haylee's Point of View



Kapagod makipaghabulan kay Grunge!

"Yaya Rayna, I want juice po." hinihingal na wika ni Nathan. Tumango ang dalaga.

"Ate Haylee, kayo din po ba?" ngumiti na lang ako sa kaniya biglang pagsang-ayon at kinuha ang towel na nakasabit sa bench.

"'Nak, halika dito, punasan natin iyang pawis mo." agad naman itong lumapit at inihanda ang mukha. "Basang-basa ka na. Tama na muna ang playtime kay Grunge okay? Shower time na, pauwi na din si Daddy, ayaw niyang maabutan kang mabaho." tumawa ako ng mahina nang lumabi siya.

"Why did Dad didn't came home last night, mommy?" ngumiti ako ng tipid. Naging busy ulit si Dwayne sa kumpanya dahil may nag-invest na company galing sa ibang bansa, nag-iimbento na rin sila ng bagong alak at talagang focus siya. Minsan ay umuuwi naman siya pero gabing-gabi na, hindi namin siya maabutan, minsan naman ay naabutan ko pero may kinukuha lang siya at magpapahinga saglit tapos aalis ulit ng maaga.

"Don't worry, busy lang siya. Makakasama ulit natin siya ngayon, okay? 'Wag ka lang makulit muna dahil pagod si  Daddy." natapos ko siyang punasan ay tumayo ako para dalhin tulungan si Rayna sa pagdadala ng juice at baso.

"But it's been more than a week since we haven't visited him. I rarely see him also, we can bond just for once again to ease his tiredness, right po?"

"Walang masyadong time si Daddy, malapit na din naman matapos ang gagawin nilang alak, I know you missed your dad and he missed you too. Don't be upset na." inabutan ko siya ng baso ng juice, mukha namang nawala agad ang iniisip niya dahil nagagalak siyang uminom.

Tinitigan ko siya, mas maraming feature ni Dwayne ang nakuha niya. Ang mga labi, kilay, at mata ay parehong sa kaniya nakuha samantalang ilong lang ang sa akin. Napaisip ako bigla, paano kung hindi ito ang buhay na tinatahak ko ngayon?

Paano kung hindi kinailangan ni Jam na maghirap para sa lahat? Paano kung walang aksidenteng nangyari sa amin ni Dwayne? Paano kung hindi kami pinagtagpo ng tadhana? Paano kung nagka-asawa pala si Dwayne bago ko pa malaman na siya ang ama ng anak ko? Paano kung.. paano kung natapos ko ang buhay ko noon dahil sa hirap?

"Hey cuties! Kamusta? Nandito na ulit si tita Jam!" natigil ako sa pag-iisip. Dumating ang dalawa, parehong nakangiti.

"Hi Haylee, hi Nathan." pareho silang naupo sa bench na inuupuan ko. "Gawa natin? Si pareng Dwayne?"

"Isa-isa lang, kakausap lang natin kahapon. Maayos pa naman kami, kakatapos lang naming makipaglaro kay Grunge, pauwi pa lang mamaya si Dwayne." napahalumbaba si Jam habang nanlolokong umakbay sa kaniya si Angelo nang hindi niya napapansin.

"Aba, baka nambababae na iyang si Dwayne, ah."

"Isa lang mahal no'n, malamang si Haylee lang. Kita mo ngang kay Haylee lang dumidikit, e. Nabalitaan ko iyung partnership niya sa Henderson's Wine Corporation, sasali sila sa International Liquors Competition next week sa US kaya todo sila sa paggawa ng bagong alak. Hindi pa ba nasasabi ni Dwayne iyon sa'yo, Haylee? I think, nag-umpisa na sila noong nakaraang linggo." natigilan ako, nakaraang linggo pa?

Napangiti na lang ako. "Busy siya kaya hindi niya na nasabi. Naiintindihan ko naman kaya hinayaan ko muna tsaka baka ayaw niya akong mag-alala."

Next week? Tapos last week lang nag-umpisa? Wala akong nalaman pero bakit pa ba kailangan ko pang malaman? Hindi naman ako empleyado.

"Pero ang alam ko, babae ang sekretarya nang ka partner niya, aba! Subukan niyang lumandi doon!" angal kaagad ni Jam. Babae?

Natatakot ako dahil bigla na lang akong nagkaroon ng kutob.

WIFE AND MOMMY FOR HIRE Where stories live. Discover now