18| Disyembre 16, 2021

72 3 0
                                    

Nakiki-usap ang hangin 
Na yumapos sa iyong mga palad
Na sa bawat pagdampi nito'y, magiging mainit ang mga yakap 

Nang dumating ka'y napaiwas ako ng tingin 
Nanlalamig ang kaluluwang sayo'y sabik at galit
Hindi mo ako nakita 
Hindi mo inaasahang ako ay pupunta 

Pasimpleng dumadampi ang mga mata ko sa paligid
Nagbabakasakaling mahagilap nito ang malamlam mong mga mata 
At sa gitna ng paglinga, ikaw ay nakita 
Napako rin pala ang mga mata mo sa iba

Paalis na ako 
Bitbit ang naiwang pagsamo sa'yo

At sa huling pagdampi ko ng aking mga mata sa paligid 
Nasilayan kita at nasilayan mo ako, ngunit walang bakas ng paggunita at pakikiusap sa mga ito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa lilim ng Blangkong PahinaWhere stories live. Discover now