15| Tiyak na pagtitimpi

47 3 0
                                    

May tiyak na pagtitimpi sa bawat hikbi.

Kung paano piniling pumikit ngunit mulat na nasasaktan,
Kung paano pinunasan ang mga basang puso't unan,
Kung paano sarilihanin ang espasyo ng tahana't maging sakim sa nararamdaman

May tiyak na pagtitimpi sa paghikbi.

At sa pagkakataong tutulo ang mga nagbabadyang likido mula sa mata,
Aalpas ang mga sinasariling laban hanggang sa pagtapos ng giyera

Sa lilim ng Blangkong PahinaWhere stories live. Discover now