12| Sol

35 2 0
                                    

Hindi ko masisi ang araw

Kung bakit sa tuwing sasapit siya, ako'y tuluyang nalulusaw


Hindi ko masisi kung bakit sa bawat pagtama ng kaniyang mga sinag, 

Namumula ang aking balat


Hindi ko masisi kung bakit sa tuwing siya'y bumabangon, 

Ako'y nananatiling nakahiga


Hindi ko siya masisi sa mga pagkakataon kung saan siya lilitaw,

Kahit pa ang totoo ay doon naman ako sadyang bibitaw

Sa lilim ng Blangkong PahinaWhere stories live. Discover now