07| Hindi mo kailangang tumalikod, nang sa pagharap ika'y makalimot

64 2 0
                                    

Hindi mo maamin ang iyong kahinaan.
Hindi mo maatim ang nakalaang hangganan.
Sa bingit ng paglaon,
Nangangati ang paglayo
Na hindi mahindian ng mga kuko

Ang espasyo ng mga salita,
Puwang ng damdaming mali at hindi maitama
Ang litanya ng iyong ngalan,
Ito'y panaginip, malayo sa katinuan

Hindi mo kailangang takbuhan ang liwanag ng buwan
Hindi mo kailangang habulin ang payaso ng kamatayan
Hindi mo kailangang talikuran
Ang minsang humarap sa iyo, dala ang kapayapaan

Hindi mo kailangang umiwas
'Pagkat hindi naman lalayo sa iyo ang lubid ng pag-asa
Na baka sa susunod, maaari na.

Sa lilim ng Blangkong PahinaWhere stories live. Discover now