06| Anghel

61 4 0
                                    

Ikaw ang kulay sa pagitan ng asul at puti
Kalmado, payapa at walang masamang budhi
Ikaw ang simbolo ng kapayapaan
Ang pahiwatig ng pagsibol ng nararamdaman

Ikaw ang langit sa pagitan ng gabi at hapon
Hindi matingkad, hindi madilim
Na sa kalauna'y maglalaon

Payapa ang alon sa piling mo
Na kahit alam kong hindi maaari,
Hindi ko pa rin magawang hindi maghintay mula umaga hanggang gabi

Sa pagitan ng kaguluhan at kadiliman
Nilingasan mo ang apoy ng nararamdaman
At sa tuwing mapapatitig sa iyong mga mata,
Nagniningas ang dahilan kung bakit sa liwanag ng iyong pagkatao, ako'y nasilawan

Ikaw ang anghel na palagi kong hihintayin

Sapagkat sa piling mo, ako'y napa-ibig.

Sa lilim ng Blangkong PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon