Minsan sa kalaliman ng gabi, bumubuhos ang mga tiyak na ulan
Kung saan, ang paglangoy sa karagatan ay isang simbolo ng katapangan
Kung paano nanatili ang hikbi sa inosenteng mga mukha
Kung paano sumilay ang mga matang nagtutubig na hindi mapunasan ng mga basang kamay
Kung gaano kalalim,
S'ya ring tanaw kung gaano kababaw
Nalunod, nagpapakalunod at magpapakalunod sa ilalim ng buwan
At sana sa pag-ahon, masilayan ang kinaumagahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/271981487-288-k718654.jpg)
YOU ARE READING
Sa lilim ng Blangkong Pahina
Poetry"Isang koleksiyon ng mga tula" Para sa mga nasaktan, Sa mga natuyong sugat At mga dugong kumalat Para sa mga nagkamali, Na piniling magbago At magpakabuti Para sa mga sumuko, Na natalo At lalaban muli Para sa mga umalis, Na napagod At hindi na mu...