08| Repleksyon

54 3 0
                                    

Nakatindig ang pirming mga paa sa harap ng salaming basag
Sa pagkakataong tititig sa mga mata, 
Walang ibang makita kundi ang anyong nangingiba

Sa tuwing hahawak sa kapiraso ng bubog na natira, 
Matataga ang daliri sa talim ng mga pinanghahawakang salita
Sa tuwing pipiliting mabuo ang salamin, 
Maalala ang minsang naging dahilan kung bakit ito nabuo bago mabasag

Dumating ang panahon, 
Naluma ang salamin
Ngunit bakas pa rin sa mga basag na kapiraso nito,
Ang sariling repleksyon na nilulubog ng paghikbi

Sa lilim ng Blangkong PahinaWhere stories live. Discover now