13| Ayokong kumurap

47 4 0
                                    

Kung minsan, ayokong kumurap

Dahil baka hindi ko masilayan ang mga bubuyog na dumadapo sa mga bulaklak

Ayokong kumurap,

Dahil baka malampasan ko ang mga bawat halakhak

Ayokong kumurap,

Dahil baka malampasan ko ang paghampas ng mga alon

Ayokong kumurap,

Dahil baka malaglag agad ang mga dahon

Ayokong kumurap,

Dahil baka mawala agad ang bahaghari sa kalangitan

Ayokong kumurap,

Dahil baka makaalpas ang mga ibong humuhuni sa daan

Ayokong kumurap,

Dahil baka malampasan ko ang pagpatak ng mga ulan


Kung minsan, ayokong kumurap

Dahil baka sa sunod, ikaw naman ang lumisan.

Sa lilim ng Blangkong PahinaWhere stories live. Discover now