18. A Game of chess

2.4K 229 46
                                    

Sage

Nasa bulsa ang dalawang kamay at may subo-subo akong lollipop habang naglalakad. I simply glanced at my surroundings, but making sure to remember every details I see.

If I'm not mistaken, this place is commonly a starting point for players in a dungeon type of games. This is where they'll start their parties and buy some equipments at the start of the game. Kadalasan ko itong nakikita sa mga nalaro ko.

It's a smart thing that they made this district as a checkpoint. It gives a different vibe compared to the other districts we've been to.

Inililibot ko lang ang tingin ko nang mabilis na napako ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki na nakatalikod. Sa kabila ng mga nakasumbrero at ibang klaseng buhok ng mga NPCs dito, nangingibabaw ang blonde niyang buhok.

Kid.

Dumeretso ako sa pwesto niya na hindi gano'n kalayuan sa akin. Habang papalapit nang papalapit, doon ko nakita na may kausap siyang tatlong lalaki. My eyes squinted as I look at them from head to toe. It's obvious that they're not NPCs.

"Kid."

I saw him flinched. Mabilis siyang napalingon sa direksyon ko at ilang beses na napakurap. He looks so scared... confused, and disappointed at the same time. Namumutla pa ang labi niya.

"E-Eyo! Sage!" He greeted me with his lively voice... with a hint of frustration.

Kita ko ang matalim na tingin sa akin ng mga kasama niya bago sila maglakad papalayo na para bang walang nangyari.

"Sino sila?" May tonong tanong ko.

Napakamot sa ulo ang lalaking kaharap ko at hindi magawang makatingin sa akin. Oh come on, Kid. You're being too obvious.

"A-Ah... nagtanong sa akin ng daan, haha." Halatang gawa-gawang sagot niya.

Tinignan ko siya ng ilang segundo at hindi kaagad ako sumagot. This is the first time I've seen him like this... and I'm really curious why. But I chose to shut my mouth.

Alam ko ang pakiramdam na may tinatago, at ayokong pag-usapan ang mga bagay na ayokong nababanggit.

I heaved a sigh. "Okay then. Let's go." Tipid na sagot ko.

Nauna akong maglakad at tahimik din na sumunod sa akin si Kid. For the last time, I took a glance to the direction where the three guys went. I'll make sure to remember their faces.

Habang naglalakad-lakad kami ni Kid sa bayan, parehong naagaw ang mga atensyon namin ng mga nagkukumpulang mga tao at isang host na malakas ang boses.

"Hello ladies and gents! We're having a competition today!"

Mabilis nitong nakuha ang buong atensyon ko. Kasunod si Kid, lumapit kami sa kumpulan.

"There are participants who'll be playing a game and will win a great price!" Masiglang sambit ng host.

A game?

"A game of chess! A one to one competition!"

Lumakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid. As if it's telling us, players, that the prize is the clue Potchi talked about.

A clue about the Game General.

"Any volunteers?!"

Huminga ako nang malalim. Agad akong nagtaas ng kamay. Tinapunan ko ng tingin si Kid na nakasunod sa akin at tahimik.

"Stay here. Sa tingin ko ay ito ang clue na hinahanap natin."

Isang tango ang sinagot niya sa akin at pinanood niya 'kong sumingit sa kumpulan. Sa gitna ay isang bakanteng pwesto kung saan may iilang mga lamesa na may tig-dalawang upuan.

"Sit there, mate!" Sambit sa akin ng isa sa mga nag-o-organize at tinuro nito ang isang lamesa.

I did what he said and went to the table. Isang kahoy at bilog na lamesa at putol na puno na nagsisilbing upuan ang sumalubong sa akin. Nakalagay ang chess board sa gitna at sa gilid nito ay isang maliit na box kung saan naghalo-halo ang dalawang kulay ng mga pyesa.

Kasabay ng pag-upo ko ay ang pag-upo rin ng makakalaro ko sa harapan ko. I don't know why, but I suddenly paused when I felt his pressence. Umangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na isang lalaki.

"Can I take the white?" He asked nicely.

Tumango ako bago umayos ng pagkakaupo.

"Let the games begin!" Malakas na sambit ng host dahilan ng paglakas ng mga hiyawan ng mga taong nanonood sa amin.

Nagsimulang ayusin ng mga players ang mga chess board nila at gano'n na rin ang ginawa namin ng kalaro ko. I took the black and he took the white pieces. Tahimik lang naming inaayos ang mga pwesto ng mga chess pieces nang bigla siyang nagsalita.

"How is she?" He started a conversation.

Umangat ang dalawa kong kilay sa biglaang sinabi niya. Napakagat ako sa candy ng lollipop na kinakain ko. "Excuse me?"

Kumurba ang labi niya sa isang ngiti at nahinto siya sa pag-ayos ng mga pyesa niya. Umangat ang tingin niya sa akin.

"Her, Eivel."

I paused. For a long time, it took time for me to process what someone just said.

"Who are you?" May tono kong tanong.

Imbis sagutin ako, inayos niya ulit ang mga pyesa niya na malapit ng matapos.

"It's been a long time since I saw her. I can't wait to play with her again." He's focused on the chess board. "I hope that I won't be disappointed."

Napaayos ako ng upo. Iniluwa ko ang lollipop stick na wala ng lamang candy at seryosong tinapunan ng tingin ang lalaking kaharap ko.

"Again, who are you?" May diing tanong ko.

He stopped fixing his chess pieces, it's already finished. Dahan-dahan niyang pinatong ang kaliwa niyang siko sa lamesa at nagsalumbaba. Dumeretso ang kabila niyang kamay sa chest pocket sa puting shirt niyang suot.

He took something out of his pockets... a yogurt stick.

He showed a teasing smile. "I guess I should introduce myself first,"

"Yo, I'm Code."

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Where stories live. Discover now