8. Tea time

2.9K 258 44
                                    

Eivel

They all have an alibi, proofs to justify their reasons. It's kinda late before I realized it. All of the clues, our theories, their answers...

Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang kulang at ang hindi pinapaalam sa amin. Lahat sila may alibi, may patunay. Binanggit na rin nila kung sino ang nag-imbita sa kanila at sa paanong paraan.

Pero ang bagay na malapit at dapat na unang ipapaalam sa taong imbitado, ay hindi nabanggit ni isang beses man lang. Rason kung bakit madali itong nawala sa isip ko kahit ito rin ang pinaka-madaling tandaan.

The date.

Thanks to Kid's stupid question, I realized what's missing. Nasabi na kung saan, kung anong oras, kung ano ang tema... pero kung kailan, hindi pa nababanggit.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan, pare-pareho kaming nagkatitigan sa isa't isa ng mga imbitadong nakaupo sa lamesa. It's just a hunch at first, but when I saw all of their expression changed, I knew that I was right.

But... the fact that their reaction was too calm... too composed... I also knew that there is something wrong.

"We are all invited, but in different dates." Pag-uulit ko.

Kumurba ang labi nila sa isang ngiti. Lady sly slowly clapped three times. "Congrats, you've found the missing piece." Nakangiting sambit niya.

"Congrats, player. You are right." Pagdagdag ni Miss Candine.

Kinumpirma nila ang sinabi ko... sinabi nilang tama ako... now, there's 0% chance that my presumption was wrong.

Yet... what is this uneasy feeling?

Parang lumalawak ang tingin ko sa paligid at palayo nang palayo, pero sa parehong pagkakataon, papalapit nang palapit ang mga nakapalibot sa akin. Para akong nabingi at naging sobrang tahimik... ang tangi ko lang naririnig ay ang pagtunog ng bawat paggalaw ng orasan.

It's already 12:59 PM, a minute before the tea party starts. And here I thought... that it's already finished.

Unti-unting gumuhit ang mga ngisi sa kanilang mga labi. Ipinatong ni Lady Sly ang dalawa niyang siko sa lamesa habang may mapang-asara na ngisi. "You've found the missing piece... you learned the trick."

Nagkrus ang binti ni Miss Candine at sumalumbaba sa lamesa bago ako tapunan ng walang ganang tingin.

"But, player... you still haven't found out who's the uninvited- TODAY."

That's when realization hit me. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang mapagtanto ko ang tanong na 'yon. I-I freaking forgot about that... I'm too focused on proving our presumption, our point.

That I forgot... what the real challenge is..

Kahit seryoso ang mga ekspresyon ng mga nasa harap ko, pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila akong lahat. Tanging ang imahinasyon kong tumatawa sila at ang tunog ng bawat pag-andar ng orasan ang naririnig ko.

40 seconds left... 39... 38...

I-I... I messed up-

"As always, nice job, Miss Genius."

Natauhan ako sa narinig. Para akong bumalik sa realidad nang marinig ko ang boses ni Sage sa gilid ko. Napakurap-kurap akong napalingon sa pwesto niya kung saan walang gana siyang nakasandal sa upuan. Casual siyang kumuha ng lollipop sa bulsa at binuksan ito.

28... 27... 26...

"I-I-"

"I'll take it from here." He glanced at me. "It's my turn now."

20... 19... 18...

Napunta ang tingin niya sa harapan, inilibot ang tingin sa lahat ng mga NPCs.

"I know who it is." Kalmado niyang sagot.

13... 12... 11...

Unti-unti niyang itinaas ang isang hintuturo habang isinubo niya ang lollipop gamit ang kabilang kamay.

9... 8... 7...

"The uninvited for today is..."

6... 5... 4...

"You."

Lahat ay natigilan nang makita kung sino ang tinuro niya. Nakatutok ngayon ang hintuturo ni Sage walang iba kung hindi sa may pinaka-matibay na pruweba sa amin.

Grumpy Long Hat.

There was a sudden silent. The moment that the clock strikes at 1, the silent was immediately replaced by a loud circus noise, together with horns, balloons, and a confetti.

"CONGRATS!" They shouted in chorus.

Nagsitayuan at nagsipalakpakan ang mga nasa harap namin, para bang nawala na ang pagiging karakter nila sa laro.

Nanatili akong tulala sa pwesto ko dahil sa mabilis na pagtakbo ng mga pangyayari. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang napalingon sa lalaking nasa gilid ko na ngayon ay may subo-subo ng lollipop.

"How did you..."

Napalingon sa akin si Sage dahil sa sinabi ko. Iniluwa niya ang lollipop niya at tinignan ito bago sagutin ang tanong ko.

"Since he showed the invitation... " Seryosong sambit niya. "Minsan, ang inaakala nating matibay na pruweba para ipakitang hindi tayo kaduda-duda, ay 'yon pa ang magiging rason para malaman na tayo pala ang may sala." He chuckled before glancing at me.

"I mean, you often use an invitation when you want someone to attend on a certain date."

Wala akong ekspresyon nagsalita ulit. "How about the fact that none of us is not invited? Alam mo rin 'yon, hindi ba?"

"Well, napagtanto ko 'yon nang makita rin ang invitation." Nalipat ang tingin ni Sage sa mga upuan. "Napansin ko rin na pangwalo ang lamesang 'to, pero pito lang tayo kasama ang Mad Hatter. Which made me realized that maybe... maybe tomorrow, there will be an 8, or yesterday, there are only 6."

Pasimpleng humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi. Sarkastiko akong pasimpleng napangisi. The prodigy notices all, huh?

"Bakit hindi mo kaagad sinabi kung gano'n? We could've lost-"

Sage chuckled. Muling napunta sa akin ang tingin ng mapupungay niyang mga mata. "Then Miss Genius will be more mad if I did solved the challenge first, right?"

I was taken aback by what he said. Mabilis kong inilipat ang tingin ko nang bigla na lang akong nakaramdam ng pag-iinit bigla sa hindi ko malamang dahilan, siguro ang costume na 'to ay masyado ng mainit para sa akin.

"J-Jerk... we're a team, why would I be mad if it's the only way for us to win..."

Nanatiling deretso ang tingin ko at hindi ko na tinapunan pa ng tingin ang lalaking nasa gilid ko. Babawi ako sa susunod, hindi ako magpapatalo.

"CONGRATS PLAYERS!" Muling sambit ng mga NPCs. Ibang-iba na ang pakikitungo nila sa amin ngayon.

"Now, you can challenge the Mad Hatter!"

Pare-parehong umangat ang mga tingin namin ng mga kasama ko sa sinabi nila. Napalunok ako nang malalim at pasimpleng bumuga ng hangin.

"And since, you're our first challengers, and you won our first challenge... we will give you a gift!" Nakangiting sambit ni Miss Candine.

Lumapit sa gitnang parte ng lamesa si Grumpy at itinaas ang hintuturo niya. "Listen carefully to our clue, okay?" He flashed a smile.

Pumila silang lahat sa harapan namin, hindi nawawala ang masiglang ekspresyon at pananalita.

"The banker is the dumb, the rich is the banker, and the dumb is the rich."

✘✘✘

Game Of Life: Volume 2Where stories live. Discover now